3 binatilyo nang-rape sa Baguio; tanod nang-rape ng bata sa Ifugao

Oct 21, 2017

LUNGSOD NG BAGUIO – Tatlong binatilyo ang diumano ay nanggahasa ng isang lasing na babae sa loob ng isang sasakyan sa Leonard Wood Road, Baguio City habang isang 42 anyos na barangay tanod ang naiulat na ilang beses na ginahasa ang isang 6-anyos sa Ifugao noon pang nakaraang buwan ngunit kamakailan lamang inireport sa otoridad.
Sa ulat ng pulis, isa sa tatlong binatilyo ang diumano ay nag-alok na ihatid ang isang lasing na babae sa boarding house nito ngunit habang nasa loob ng sasakyan ay pinaghahalikan ng binatilyo ang babae na humantong sa pakikipagtalik. Pagkatapos nito ay pumasok din sa loob ng sasakyan ang dalawa pang binatilyo at ginahasa rin ang biktima.
Nagawa ng biktima na makalabas sa sasakyan at humingi ng tulong sa isang nakatambay para pumara ng taxi at agad dumiretso ang biktima sa pulis.
Nagawa namang sundan ng mga pulis ang tatlong suspek at nakorner ang mga ito.
Samantala, sa Ifugao ay tinutugis ang isang tanod upang panagutin sa batas matapos na makatanggap kamakailan ng reklamo mula sa isang ina na diumano ay ginahasa ang anak nitong 6 anyos noong Setyembre 20, 2017.
Kinilala ang barangay tanod na si Allan Binwag Bunnat, 42, ng Bullod, Tam-an, Banaue.
Sinabi ng ina sa pulis na ang biktima ay nakikipaglaro sa pinsan nito nang tinawag ito ng tanod at dinala sa kwarto.
Aniya ay tinanggal ng tanod ang pang-ibabang saplot ng biktima at ipinasok ang daliri sa maselang parte ng katawan ng biktima.
Sinabi pa ng ina na ayon sa anak ay ilang beses itong inabuso ng tanod.
Ang biktima ay sinuri ni government physician Mae Diaz at agad na isinangguni sa Municipal Social Welfare and Development Office para sa counselling.
Ang tanod ay nakatakas ay ngayon ay tinutugis ng mga pulis habang inihahanda ang kaso kontra sa kanya. ACE ALEGRE / ABN

RELATED POSTS

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest