3 BUWANG GAWAIN, NAGING 7 ARAW SA PALENGKE

PITONG ARAW – tulad ng paghubog ng mundo ang ginugol ng gobyerno local upang pangunahan ang pagbabalik sa normal ang bahagi ng pamilihang bayan na nasunog, ang Block 3 and 4 at ilang bahagi ni Kaldero Section. Kamangha-mangha ang bayanihang ipinamalas sa paglinilinis at pagbabalik sa higit na maayos na pamimili sa palengke. Aksyon agad. Kapansin-pansin ang kagalakan ni Mayor Benjie nitong Lunes na kanyang ipahayag na inabot lamang ng pitong araw ng walang puknat na pagtutulungan ang nagugol upang maibalik ang nasunugang bahagi ng palengke at makapag-simula muli ang mga stall vendors sa kanilang hanap-buhay.

Anya ni Mayor: “Nang sinabi sa akin na mga 3 buwan ang kailangan upang ma-clear up ang palengke at maitayo muli ang mga temporary stalls, ang aking reaksyon, ‘Hindi pwede, hindi dapat na 3 buwan, kailangan pitong araw ay maibalik natin ang kabuhayanng pansamantalang pinutol ng sunog!’ Nitong ngang a-bente ng Marso, na-turnover na sa mga nasunugang vendors ang kanikanilang mga pwesto. All cleaned up, at pati fire debris ay nawala na. Puspusan ang ginawang paglilinis at pagsasaayos ng nasunog na mga bahagi ng pamilihang bayan. Lahat ay tulung-tulong,
magkakaisang balikat na ibinigay ang panahon, abilidad, at kakayahan upang sa loob ng 7 araw ay maibalik ang nawalang hanap-buhay.

Bayanihan an gating naranasan nitong mga huling araw. At sa gitna ng mga gawaing dapat ay puspusan ang buhos ng kakayahan, naroon an gating Ama ng Baguio – nagpapala, nagbubuhat, ginagawa ang kusang-loob na pag-aalay ng sariling liderato upang pamarisan ng mga daandaang mga volunteers mula sa publiko at pribadong sector ng lipunan. Tunay na anumang pagsubok ang dumarating tulad ng sunog na nangyari sa ating pampublikong pamilihan ay isa lamang pangyayari na nagbibigay ng pagkakataon na muling maipamalas ang pagmamalasakit ng isang sambayanan.

Kahit kailanman, kalunoslunos ang maging biktima ng isang sunog na biglang gumulantang ang katahimikan ng gabi. Halos 2,000 na mga manininda ang naging biktima, biglaang binalot ng pangamba sa nawalang pagkakataong maipagpatuloy ang kabuhayang sandigan ng kanilang araw-araw na pangngangailangan. Sa loob ng 7 araw at gabing walang puknat, buong pwersa ng gobyerno, kaagapay ang mga volunteers at donors, ang nagbigay ng mahalagang tugon sa mga umaalab na pangamba ng mga nasunugan.

Aksyon ng isang komunidad ang pinang-yari sa publikong panawagan ng isang lungsod na gaano man ang hirap ng sitwasyon, kakayanin kung sama-sama at tulong-tulong sa pagsalba sa nawalang
pagkakataon ng paghahanapbuhay. Ating balikan ang pagbabalik pwersa ng sambayanan upang iayos, itindig, at muling manumbalik ang sigla at kasiyahan ng pamimili sa palengke. Pansamantala, habang nililinis at inaayos ang nasunugang lugar sa Block 3 at Block 4, pati ang kaldero section, binigyang pahintulot ang mga fire victims na gamitin ang gilid ng kalsada upang
maging temporary vending area.

Samantala, tuloy-tuloy ang panawagan at pag-responde sa mga paglilinis ng mga lugar na dati ay bentahan ng mga iba’t ibang pangangailangan  prutas, gulay, mga ukay-ukay na damit, at iba pang mabibili sa lugar ng sunog. Kabi-kabila ang nagbigay ng mga gamit panglinis, mga sakong
paglalagyan ng fire debris. Isang malaking hamon ng kasawian ang tinugon ng pinagsamang pwersa ng sambayanan ang gobyerno lokal, ang pribadong sector, ang mga nagbigay ng panahon,
sariling gamit, at iba pang mahalaga para sa dagliang panunumbalik ng Block 3 at 4 bilang sentro ng pamilihan sa lugar. Anumang hamon ay tunay na kaakibat ng tugon. Dito muling nasubukan ang allsociety response na pinangunahan ng pamahalaan sa epektibong pamumuno ng Punong Abala, si Mayor Benjie.

Oo nga, sa pamamagitan ng katangi-tanging lideratong ipinamayani ni Mayor Benjie, nagawa sa loob ng 7 araw, hindi 3 buwan, ang balikpagkakataon ng panininda at pamimili. Kaya pala, kayangkaya! Kung sabagay, kung sa covid-19, na tatlong taon ng nanalasa sa Baguio, ay hindi natinag si Mayor, eto pa kayang sunog na ilang oras lamang ay humagupit sa kamalayan ng lungsod. Kamangha-mangha ang dagliang liderato na kanyang ipinamalas on the ground, on the go, onward to where the tragedy struck. Sa mga handa pang magalay ng tulong, salapi man o dagdag gamit, buksang loob ang ating mga puso sa patuloy na kusang-loob na pag-kalinga.

Kung nasubukan natin ang pagiging malasakit sa panahon ng pandemya, kayang-kaya nating gamitin muli ang bayanihan sa pagkakataong ito. Huwag na nating ipagkait ang anumang magagawa. Walang imposble kung ang pananaw ng lahat ay napakaposible. Ngayon ang panahon
ng bayanihan, ang muling maipamalas na sa mga pagkakataong humahamon, aahon, babangon, at titindig tayong matatag ang loob, malakas ang pagnanasang lampas ang ganitong mga trahedya.
AngatTayoBaguio, dyan tayo may progreso!

Amianan Balita Ngayon