BAGUIO CITY
Hindi nakapalag ang tatlong drug personalities sa biglaang pagsulpot sa kanilang bahay na pinaniniwalaang drug den ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Unit-Cordillera sa Purok 3, Upper Dagsian, Baguio City, noong Agosto 23. Sa bisa ng search warrant operation, ay nadatnan ang mga suspek na sina Dominador Baddal Padcayan Sr; Cynthia Mercado Mabalot at Rowel Licoben Bumidang,
Narekober ng mga operatiba ang 34 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may timbang na mahigit o kulang 40 gramo na may market value na P231,200.00; drug pharaphernalias; tatlong keypad cellular phone at isang android cellular phone. Ayon sa PDEA, matagal na nilang sinusundan sina Padcayan at Mabalot na nakatira sa bahay at ginagamit ang lugar bilang drug den.
By: Thom F. Picaña
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025