BAGUIO CITY
Nasa P1,397,536 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa tatlong drug personalities, matapos isagawa ang buy-bust operation sa Purok 14, Lower Cypress, Barangay Irisan, Baguio City,
noong Hunyo 7. Kinilala ang mga nadakip na sina Sherwin Fernandez, Maria Veronica Torio at Vincent Cuyopan. Napag-alaman na magkakasanib na tauhan ng Philippine Drug Enforcement
Agency-Cordillera at Baguio City Police Office ay nagsagawa ng buy-bust operation sa mga suspek dakong alas 8:00 ng gabi sa nasabing lugar.
Nakumpisa ng mga operatiba bilang drug evidence sa kanila ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na tumitimbang ng 5 grams (subject of sale) na may halagang P34,000.00; isang knot tied transparent plastic sachet na naglalaman ng
puting crystalline substance na tumitimbang na 87 gramo na may tinatayang halaga na P591,600.00; dalawang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na tumitimbang na 3 gramo na may tinatayang halaga na P20,400.00 at isang kulay asul na improvised glass tooter na naglalaman ng 120ml ng hinihinalang liquid meth na may halagang P751,536.00.
Nabawi din ng pulisya ang isang pirasong tunay na Onethousand-peso bill; Labing-apat piraso isang libong boodle money;isang digital weighing scale at samu’t saring drug paraphernalias; at dalawang smart phones. Sinampahan ng kaso ang tatlo dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o “The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”, na inameyenda.
Zaldy Comanda/ABN
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023
September 22, 2023