3 drug pusher nadakip sa Abra

BAGUIO CITY – Tatlong drug pusher na kabilang sa target list ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, ang nasakote sa kanilang bahay sa isinagawang search warrant operation sa Bagued,Abra.
Ayon kay Rosel Sarmiento, regional information officer ng PDEA,nakumpiska ng magkakasanib na tauhan ng PDEA-Abra, PDEA-CAR K9 Unit, Abra PPO, PIB/ DEU/ RIU- 14/RID at Bangued MPS ang syam na sachet ng shabu, na may halagang P68,000 sa tatlong suspek, na pawang nasa taget drug personalities na nagooperate sa lalawigan ng Abra.
Kinilala ang mga nadakip na sina Reymond Bayle, 35, tricycle drivr; Marcela Imelda Belmonte, 44 at Christian JC Dungca, 23, pawang nakatira sa Barangay Sinapangan, Bangued, Abra.
Ayon kay Sarmiento, mailap ang mga suspek sa isinasagawang buy-bust ng PDEA, kaya minabuti na gamitan ito ng search operation na inisyu ng korte. Isinampa ang kasong paglabag sa RA 9165 o’ Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.
 
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon