3 KATAO NAMATAY, 20 SUGATAN NANG BUMANGA ANG ISANG BUS SA PUNO SA KAHABAAN NG MARCOS HIGHWAY

PUGO, La Union

Tatlo katao ang namatay samantalang 20 naamang pasahero matapos bumangga ang isang bus sa isang puno sa kahabaan ng Marcos Highway habang ito ay pababa patungong Quezon City noong
Enero 3, 2023 ng umaga. Sa ulat na natanggap ni Mayor Kurt Walter Martin, ng bayan ng Pugo na ayon sa kanyan ay may dalawang babe ang binawian ng buhay at ang lalaking konduktor ng bus na
pag-aari ng Victory Liner.

Sa report ng pulisya ng Pugo pumutok di uamno ang gulong ng bus na kung saan ay pumutok ang kanang gulong nito sa likod na kung saan ay nawalan ng giya ang dryaber nito na gad bumangga sa isang puno ng acacia. Ang mga nasugatan na pasahero ay agad na dinala sa Pugo Rural Health Unit ang iba naman ay isinugod sa La Union Medical Center upang amalapatan ng kaukulang lunas ang mga sugat na kanilang tinamo sa nasabing aksidente.

Una rito ay may lulang 42 na pasahero ang bus na umalis ng Baguio City dakong 9:30 ng umaga patungo sa Quezon City noong Enero 3, 2023. Napag-alaman na unang rumesponde ang mga personnel ng Pugo Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office kasama ang
Pugo Fire Station at Pugo Municipal Police na nagsagawa ng imbestigasyon sa nasabing aksidente.

Sa ngayon ay inaalam pa ng maige ng mga imbestigador kung ano ang naging sanhi ng aksidente kung ito nga ba ay dahil sa pumutok na gulong o ang pagkakasira ng hydroback ng bus. Samantala kinasuhan naman ang nasabing drayber ng bus dahil sa nasabing aksidente.

By Dexter A. See

Amianan Balita Ngayon