3 lalaking may baril, huli sa checkpoint sa Abra

BANGUED, ABRA – Tatlong lalaking may dalang baril sa Abra ang nahuli, isa sa kanila ay nagtangka pang takasan ang checkpoint kamakailan.
Si Roderick Bernardez Afroilan, 23, ng Brgy Poblacion, Penarrubia, Abra ay nahuli noong Sabado ng umaga (Abril 15) sa Lingsad, Riang, Penarrubia matapos ang isang maikling pakikipaghabulan sa kapulisan. Nakuha sa kanya ang isang caliber 45 Norinco pistol na may magazine at may pitong bala na nakasiksik sa kanyang baywang.
Kinagabihan ng sumunod na araw ay nadakip din ng pulis sina Ian Millare Taluban, 37, ng Brgy. Deet, Tayum, Abra, at Germalon Tauro Potolin, 29, ng Brgy. Angad, Bangued, Abra sa may bahagi ng Angad-Bacsil Road sa Brgy. Angad, Bangued Abra.
Narekober sa dalawa ang isang M16 baby armalite rifle; isang caliber .45 na may isang magazine na may walong bala; tatlong magazine ng M16 rifle; 52 bala; at isang black bag na ay 14 sachet ng hinihinalang shabu. Ace Alegre

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon