3 MIYEMBRO NG ACETELYNE GANG, HULI SA DRUG BUST SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Tatlong miyembro ng Acetelyne Gang ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, noong gabi ng Disyembre 26 sa Sitio Piripin Bato,Barangay Pico,La Trinidad,Benguet. Kinilala ni PDEA Regional Director Gil Castro ang mga nadakip na sina Brookelyne Calion Bitao/Brooklyn Tianga, residente ng Sitio Piripin Bato, Pico, La Trinidad, Benguet; Jacob Gamsao Ayeona at Joel Santillan.

Ayon kay Castro, si Brookelyne ay asawa ni David Bitao, kilalang leader ng Acetelyne Gang na sangkot sa ilang bank robberies. Ayon sa report, matagal ng sinusubaybayan ang mga suspek sa kanilang bahay na ginagawa umanong drug den,kaya nagsagawa agad ng buy-bust operation, kasama ang mga tauhan ng Benguet Provincial Police Office.

Nakuha sa mga suspek ang anim na plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit 20 gramo, na may halagang P146,167.36; isang
brown vial na naglalaman ng likidong pinaghihinalaang marijuana oil na higit o mas mababa sa 30ml, na may halagang P5,943.637; samu’t saring drug paraphernalia;Boodle money at mga Identification card.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon