BAUK, Mt.Province
Hindi nakalusot ang tatlong turista na maipuslit papuntang Maynila ang pagbibiyahe nila ng
P1,939,800 halaga ng marijuana brick, matapos na sila ay maharang sa Sitio Malupa, Abatan, Bauko, Mt. Province noong Agosto 23. Kinilala ni Regional Director Julius Paderes, ng Philippine Drug Enforcement Agency- Cordillera, ang mga suspek na sina Christian Rico Navas Espiritu Santos, Alex Francisco Santos, at John Paul Jungkin De Leon, pawang taga Theresa, Rizal.
Sinabi ni Paderes, nagsagawa ng interdiction/ checkpoint operation ang mga operating unit ng PDEA at tauhan ng Police Regional Office- Cordillera, na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong
indibidwal na sakay ng Toyota Vios papuntang Baguio City. Nakumpiska sa mga suspek ang 16 tuyong dahon ng marijuana sa mga brick form na humigit-kumulang 16,165 gramo ang bigat, 3.5 gramo ng tuyong dahon na pinaghihinalaang hush, isang maliit na tube na may hinihinalang latak ng marijuana, at Toyota Vios. Kakasuhan ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
TFP/ABN
August 26, 2023
August 26, 2023
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024
October 5, 2024