309 pulis Cordillera, idadagdag sa ASEAN Summit security

LA TRINIDAD, BENGUET – Pinangunahan ni Police Regional Office Cordillera (PROCOR) Director, Chief Superintendent Elmo Francis Sarona ang send-off ceremony ng 309 personnel noong Miyerkules na sasama sa peace and security contingent para sa 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit.
Karamihan sa 309 personnel ay nagmula sa Regional Public Safety Battalion (RPSB) sa pangunguna ni Superintendent Greg Ammiyao.
Sa ginanap na send-off ceremony, iniutos ni Sarona sa grupo mula Cordillera na sumunod sa mga utos mula sa kanilang commanding officers, sundin ang patakaran na lahat ng galaw ay sakop ng utos mula sa otorisadong opisyal.
Pinaalalahanan din niya ang mga tauhan na observe cleanliness, at apply maximum tolerance kung sakaling may mga raliyistang magalit sa kanila.
Subalit, aniya, kung sila’y masasaktan, tungkulin din nilang protektahan ang kanilang mga sarili dahil ayaw niyang may masaktan kahit isa sa grupo. Binanggit din niya ang battle cry ng PROCOR na “discipline, commitment, and teamwork” sa pagganap ng kanilang tungkulin bilang namamahala ng peace and order sa gaganaping summit.
Siniguro ni Sarona sa publiko na sa kabila ng pag-deploy, ipagpapatuloy pa rin ng PROCOR ang pagmo-monitor sa mga “threat groups” at handa sila sa pagresponde sa anumang emergency dahil ang Philippine National Police ay nasa full alert status nationwide. PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon