31 WANTED PERSON, ARESTADO, 57 BAYAN ZERO CRIME INCIDENTS

CAMP DANGWA, Benguet

Habang patuloy na pinaiigting ng mga tauhan ng Police Regional Office-Cordillera ang kanilang mga pagsisikap laban sa mga wanted na personalidad, may kabuuang 31 wanted person, kabilang
ang apat na indibidwal na nakalista bilang Most Wanted Persons ang naaresto, habang 57 bayan sa rehiyon ang nakapagtala ng zero crime incidents mula Setyembre 24- 30.

Batay sa tala ng Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), ang Baguio City Police Office ang pinakamataas na bilang ng mga naaresto na 12 wanted person, sinundan ng Benguet Police Provincial Office na may siyam arestdo; Ifugao PPO na may limang arestado; Abra PPO at Kalinga PPO na may tig-dalawang arestado at Mountain Province PPO na may isang
arestado.

Sa apat na indibidwal ang nakalista bilang MWP, tatlo ang most wanted personalities sa Municipal Level at isa sa Provincial Level. Samantala, bilang resulta ng pinaigting na presensya ng pulisya, limampu’t pitong munisipalidad sa iba’t ibang lalawigan ng rehiyon at dalawang istasyon ng pulisya
sa Baguio City ay nananatiling mapayapa, dahil ang PRO Cordillera ay nagtala ng zero na insidente ng krimen sa mga lugar na ito noong panahon ng parehong linggo.

Zero crime incidents ang naitala sa 23 sa 27 munisipalidad sa Abra; pito sa 13 munisipalidad sa Benguet; lima sa pitong munisipalidad sa Kalinga; walo sa 11 munisipalidad sa Ifugao; walo
sa sampung munisipalidad sa Mountain Province; at anim sa pitong munisipalidad sa Apayao.
Dagdag pa, ang mga istasyon ng pulisya ng lungsod ng Naguilian Police Station (PS1) at Aurora Hill (PS6) ay nagtala rin ng zero na insidente ng krimen sa 10 istasyon ng pulisya sa Baguio City.

TFP/ABN

Amianan Balita Ngayon