32 security guard sinanay sa paghawak ng baril – PSIS, International

Camp Bado Dangwa, La Trinidad – Isang makabuluhang oportunidad ang naipagkaloob ng Philippine Society for Industrial Security, International, Inc. – Cordillera Administrative Region Chapter sa 32 na lisensyadong security guard ng iba’t ibang ahensya para sa isang araw na pagsasanay at pag-aangkop na magkaron ng kaalaman sa paghawak ng kalibre o pistol na kung saan ay malimit na dala nila ito sa oras ng kanilang tungkulin at responsibilidad nila ito proteksyon sa pagbabantay.

Pinangunahan ni PMaj Michael Macae, Current Deputy Chief (RCSU-COR) ang pagtuturo kaugnay sa “Firearms Familiarization and Education” kung saan ay mahalaga sa bawat security guard na malaman ang isang aspeto sa pag defensive at masanay sa paghawak ng armas kailangan na may muscle memory dahil ito ang powerful tool sa sinuman ang nais magkaron ng magandang performance.

Maging sa pagkuha at pagiisyu ng armas ay may mga kaukulang permit at maipapasailalim pa ng pagkuha ng neuro upang matukoy rin ang behavior ng isang applicant lalo na’t may history ito sa pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nabigyan ng pagkakataon ang lahat ng participants na humawak at magpaputok sa firing range, iba’t-ibang anggulo at estilo ang itinuro dito. Ayon naman kay Fritz Gerald Padilla – Chapter Vice- President PSIS International, “bagama’t kulang ang oras sa orientation at fun shoot ng mga lehitimong guwardiya ay mahalaga na nakapaputok sila lahat at nakita namin sa kanila kung anuman ang kahinaan ng ilan ay narito pa rin kami mga opisyal ng PSIS CAR Chapter na gagabay sa kanila, posibleng maulit muli ito hanggang unti-unti na sila masanay at totally maging bihasa na sila sa pamamagitan ng kanilang interes at pagsisikap matuto”, ani Padilla.

Sinabi ni PSIS International CAR Chapter President Casaldo M. Bacduyan na ang PSIS International Cordillera Chapter kami ang nagbibigay ng Certified Security Professional Certification, nakapagbigay na kami ng dalawang certification program nung last year, Advance Security Management Force at ngayon 2019 may certification rin para sa CSP at Asthma, Seminar at Trainings sa mga Security Agency, tumulong rin kami sa community na ito ang tree planting sa Forbes Park, South Drive na nakipag participate ang Criminology at graduating student sa activities ng PSIS.

Sa November 30, 2019 ay may “Back to the Tree” tayo isasagawa sa Forbes Park at sa December 22, 2019 naman ay magkakaroon tayo ng Grand Eye Ball o Christmas Party, ito ang Yearend Celebration ng PSIS International CAR Chapter lahat po tayo ay imbitado abangan na lang ang announcement.

Mario Oclaman/ABN

Amianan Balita Ngayon