354 SINUKONG LOOSE FIREARMS INILATAG SA ABRA

CAMP JUAN VILLAMOR, Abra

May kabuuang 354 loose firearms ang isinuko sa Abra sa nakalipas na 3 taon mula sa malawakang “Oplan Katok”, na kinabibilangan ng 178 piraso na boluntaryong isinuko noong 2018 at 176 piraso noong 2020, sa ginanap static display at turnover sa Camp Col Juan Villamor, Bangued, Abra noong Hunyo 27.

Personal na inspection ang ginawa ni Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director ng Police Regional OfficeCordillera, sa iba’t ibang klase ng baril,kasama sina Col.Ronald Gayo,deputy regional director for operations; Col. Jugith Del Prado, chief Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD); Lt.Col. Rule Tagel, acting Force Commander ng Regional Mobile Force Battalion 15 (RMFB15) at Lt.Col. Edward Aquintey, officer-In-charge ng Regional Civil Security Unit (RCSU) sa kanilang command visit sa Abra Provincial Police Office.

Napag-alaman na ang command visit ni Peredo sa lalawigan ng Abra ay bahagi sa maagang paghahanda ng PROCOR sa nalalapit na 2023 Barangay at SangguniangKabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30. Nanawagan din si Peredo sa mga residente na ang kampanya ng pamahalaan laban
sa loose firearms o’ hindi rehistradong baril ay mahigpit na ipinapatupad at hinimok na makipag-tulungan sa pulisya na patuloy na nagsisikap para labanan ang karahasan at makamit ang peaceful elections.

Inaasahan ni Gen. Peredo na walang mga insidente para sa karahasan na may kaugnayan sa halalan sa lalawigan at nananawagan para sa pagkakaisa sa mga kandidato at tagasuporta nito.
Pinuri din ni Peredo ang mga tauhan ng Abra PPO, sa pamumuno ngayo ni Provincial Director Col.Froilan Lopez, sa kanilang pagiging agresibo sa pagpapatupad ng mga espesyal na batas at patuloy na pakikipag-ugnayan sa komunidad, na nagresulta sa pagsuko ng mga loose firearms sa lalawigan.

Inatasan na rin ni Peredo ang buong kapulisan sa rehiyon na maging mapagmatyag habang papalapit ang eleksyon at bantayan ang mga lugar kung saan may posibilidad ng karahasan.
Napag-alaman na ang lalawigan ng Abra ay nanatiling ‘area of concern’ ng pulisya,kaugnay sa mga
naganap na karahasan sa mga nagdaang eleksyon.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon