38 PDL NAGTAPOS SA ALS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t walong Person Deprive of Liberty (PDL) mula sa male and female dorm sa Baguio City Jail ng Bureau of Jail Management and Penology, ang nagtapos ng elementary at junior high school sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) program ng Department of Education (DepEd) sa siyudad ng Baguio. Sa nasabing bilang, 30 ang mula sa male dorm at tatlo dito ay nagtapos sa elementarya, samantalang mula sa female
dorm ay walo at dalawa dito ay nagtapos sa elementarya.

Ayon kay JSupt.Mary Ann Ollaging-Tresmanio, jail warde, ang mga PDL learner ay sumailalim ng anim na buwang
ALS Mobile learning at bukod dito ay ginabayan din sila ng ilang jail guards na may alam sa teaching. “Bagama’t may mga edad na ang ating PDL ay hindi ikinahiya na mag-aral pa sa kabila ng kanilang kinahaharap na kaso,dahil
gusto nilang matuto at nagpapasalamat tayo sa DepEd na may ganitong programa para sa kanila,”
ayon kay Tresmanio.

May kabuuang 425 PDL ang nasa male dorm, samantalang 92 naman sa female dorm, na 60 porsiyento dito ay may mga kasong paglabag sa Republic Act 9165. Ayon kay Mang Basilio (hindi tunay na pangalan),57, ang pinamatandang learner na nagtapos ay malaki ang kanyang pasasalamat sa ALS program ng DepEd, na nabigyan siya ng pagkakataon na natapos niya ang elementarya, mula sa pagiging Grade II lamang ang natapos. “Noong kabataan ko,naloko ako sa barkada at nang pasukin ko ang pocket mining ay nainggayo ako sa kinikitang pera, hanggang sa makalimutan ko na ang pag-aaral. Gusto ko man mag-aral noon,pero nahihiya na ako dahil sa edad
ko,” pahayag ni Mang Basilio.

Ayon kay Mang Basilio, walo ang kanyang anak, na lahat ay nagtapos ng pag-aaral at may mgakurso. “Sa edad kong ito ay pinilit ko na makasali sa ALS at marami akong natutunan,lalo na ang pagsulat ng aking pangalan at pagbabasa,kaya kung sakaling makalaya ako ay hindi na ako magmumukhang no read,no write at kung mabibigyan pa ng pagkakataon ay gusto ko ring marating ang junior high school,”pahayag pa ni Mang Basilio.

Panawagan nito sa mga kabataan na ang edukasyon ay napakahalaga, ,dahil dito nakaakibat ang buhay o’ kapalaran ng isang tao. “Kayong mga kabataan huwag ninyong sayangin ang panahon,mag-aral habang bata pa, mahirap
na kagaya ko na matanda na saka lang nag-isip na mag-aral sa kabila pa nasa loob ng kulungan,” dugtong pa ni Mang Basilio.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon