38 wanted persons, naaresto ng ProCor sa isang linggo

CAMP BADO DANGWA, LA TRINIDAD, BENGUET – Patuloy na nakakapuntos ang Police Regional Office Cordillera (ProCor) sa kanilang Oplan Manhunt Charlie dahil sa pagkakaaresto sa 38 wanted persons kabilang ang dalawa sa ten most wanted person (TMWP) sa unang linggo ngayong buwan.
Nahuli ang suspek na si Carlito Vasquez Acena, 58anyos, karpintero, tubong Lingtan, Bangued, Abra na may piyansa na P200,000 na inirekomenda ni Judge Raphiel Alzate ng RTC Branch 1, Bangued, Abra.
Si Carlito na nakalista bilang No. 2TMWP ng Abra sa ikalawang quarter ng 2018, na inakusahan sa krimeng statutory rape ay naaresto ng pinagsamang tracker teams ng Bangued MPS at Pasig CPS sa Brgy. Modesta, San Mateo, Rizal umaga ng Hunyo 5, 2018.
Isa pang TMWP na kinilalang si Dunstan Papay Unias, 52anyos, laborer at residente ng Purok 27, Irisan, Baguio City at kilalang No. 6 TMWP ng PS9M BCPO sa unang bahagi ng 2018 na naakusahan sa dalawang krimen ay naaresto ng pinagsamang operatiba ng PS9, BCPO at mga miyembro ng CIDG hapon ng Hunyo 8, 2018 sa Justice Hall, Baguio City.
Ang naarestong suspek ay naakusahan sa krimeng statutory rape at paglabag sa RA 7610 (An Act Providing for Stronger Deterrence and Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination, and for other Purposes) na walang piyansa sa unang krimen at bail bond na P100,000 para sa ikalawa. Ang parehong warrant ay inilabas ni Judge Mia Joy Oalares Cawed ng RTC Branch 4, Baguio City.
Base sa records, nakapagtala na ang ProCor ng 199 katao na wanted sa iba’t ibang salang kriminal sa buwan ng Mayo, 18 dito ay nakalista sa TMWP. Sa 18 na TMWP, 2 ang kabilang sa regional level, 5 sa provincial level, 4 sa city level, at 7 sa municipal level.
Ayon kay Chief Superintendent Rolando Z. Nana, regional director ng ProCor, “the successful operations in the accounting of wanted persons manifest the region’s fruitful efforts coupled with the strong partnership with the community in the battle against criminality”.
Inutusan din niya ang lahat ng mga tauhan na manatiling nakatutok sa pagtataguyod ng tuntunin ng batas sa pagpapanagot ng wanted persons na may layuning pagbibigay ng mataas na pag-asa ng mga biktima sa kanilang paghahanap ng hustisya. PROCOR RPIO

Amianan Balita Ngayon