LUNGSOD NG SAN FERNANDO – Na-promote ang 398 police commissioned officers (PCOs) at police non-commissioned officers (PNCOs) mula sa Police Regional Office 1 (PRO1) batay sa kahusayan at katangian kamakailan.
Ayon kay Supt. Cherry Fajardo, PRO1 public information office chief, sa 41 PCOs, anim ang na-promote bilang Police Superintendent; 13 bilang Police Chief Inspector; 12 bilang Police Senior Inspector; at 10 bilang Police Inspector.
Ang iba pang 357 na PNCOs na kabilang sa kabuuan, walo ang na-promote bilang Senior Police Officer 4 (SPO4); 23 sa SPO3; 36 para SPO2; 76 para SPO1; 59 para PO3; at 155 para PO2.
Sinabi pa ni Fajardo na upang maging karapat-dapat na mag-apply sa promosyon, ang time-in grade, eligibility, at haba ng serbisyo ay bahagi ng unang pamantayan at karagdaragang takda bilang isang matibay na proseso sa pagpili.
Kapag pasado, ang aplikante ay ihahanay batay sa performance evaluation rating, natapos sa edukasyon, awards, sasailalim sa isang panel interview, pag-uugali sa trabaho, at pagsusuri sa pagganap o kaya’y ang tinatawag na neuro-test.
Ang Screening Board ay binubuo ng kinatawan mula sa National Police Commission, deputy regional director ng administrasyon, division chiefs, regional executive senior police officer, at ng secretariat.
Dagdag pa ni Fajardo na ang mga aplikante ay umabot sa 2,500 ngunit dahil na rin sa limitadong quota, naglaan lamang ng 398 ang Philippine National Police national headquarters para sa Ilocos Region.
Pinangasiwaan naman ni PRO1 regional director Chief Supt. Gregorio R. Pimentel ang pagbigay ng mga puwesto at oath taking sa mga bagong promote na pulis na ginanap sa PRO1 Grandstand noong Enero 30.
Inihayag ni Pimentel ang kaniyang pasasalamat sa pag-apruba ng promosyon ng kanilang mga tauhan.
Binigyang-diin pa nito na ang promosyon sa mga tauhan ay isa sa kaniyang mga prayoridad dahil ito ang pinakamahusay na paraan upang makilala ang kanilang mga sakripisyo, mga kabutihan, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakita ng serbisyo bilang pulis. MPA/PIA-La Union / ABN
February 4, 2017
February 4, 2017
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024