CAMP DANGWA, Benguet
Bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng PROCOR laban sa iligal na baril, apat na loose firearms ang narekober sa mga lalawigan ng Abra, Ifugao, at Kalinga noong Mayo 20. Ayon sa mga ulat na isinumite kay Brig.Gen. David Peredo, Jr., regional director ng Police Regional Office Cordillera, dalawang loose firearms ang isinuko sa mga pulis ng Abra Provincial Police Office; isang loose firearm ang isinuko sa Ifugao PPO, at isang loose firearm ang nakumpiska ng Kalinga PPO.
Sa Abra, boluntaryong isinuko ni Barangay Kagawad Miguel Damagen Pagada, ng Barangay San Ramon East, ang isang kalibre .22 revolver sa Manabo Municipal Police Station (MPS), habang sa Tineg, isinuko ni Mylene Margarette Quezada Sepong, 47, ang isang homemade shotgun sa Tineg
MPS. Sa Ifugao, boluntaryong isinuko ni Elorde Julian ang isang (1) Cal 38 revolver kay Alfonso Lista MPS.
Ang nasabing mga baril ay nasa kustodiya na ngayon ng kani-kanilang operating units para sa dokumentasyon bago ang kanilang turn-over sa kanilang Provincial Forensic Unit para sa Integrated Ballistic Identification System (IBIS). Sa Kalinga, nakumpiska ng mga pulis ang isang kalibre.38 mula sa suspek na kinilalang si Joel Agger Arcio, 24 sa Barangay Nambaran Tabuk City, matapos mabigo itong magbigay ng kaukulang mga dokumento ng nasabing baril. Nasa kustodiya na ngayon ng Tabuk City Police Station ang baril habang mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Law on Firearms and Ammunition Regulation Act.
Zaldy Comanda/ABN
May 27, 2023
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024