4 minero timbog sa iligal na paggawa ng ginto

LA TRINIDAD, Benguet –Apat na small scale miners ang dinakip matapos mahuli sa aktong nagpro-proseso ng gold ore sa bayan ng Mankayan,Benguet, ayon sa Benguet Provincial Police Office, sa bayang ito.
Nabatid kay Police Colonel Elmer Ragay, provincial director, magkasanib na tinungo ng mga tauhan ng Mankayan Municipal Police Station, Mines and Geosciences Bureau-Cordillera at DENR/CENRO, ang Sitio Panat,Barangay Suyoc, Mankayan, Benguet, noong Nobyembre 14, matapos makatanggap ng impormasyon na may iligal na gumagawa ng gold ore.
Nahuli sa akto at inaresto ang mga minero na nakilalang sina Josue Abansi Delmas, 42, ng Central Kapangan, Kapangan, Benguet, Kurt Tacay Briones, 32, ng Tokmo, Loadan, Itogon, Benguet; Christopher Minong Mat-an, 33,ng Itogon, Benguet at Rudy Juliano, 48, ng Panat, Suyoc, Mankayan, Benguet.
Ayon kay Ragay, ang nasabing operating team ay nagsasawa sa iba’t ibang mining site, nang matiyempuhan nila ang mga suspek nan a nagpro-proseso ng ng ore na gamit ang ball mill. Nakuha sa kanila ang ebidensya na dalawang motor (dynamo) na may halagang P23,000.00 at kalahating sako ng ore. Sinampahan sila ng kasong paglabag sa Republic Act 7076 na kilala sa Illegal Processing of Ore at ang mga suspek na naglagak ng piyasan para sa pansamanatalang pagkakalaya.
 
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon