4 na kaso ng Omicron sa Pangasinan gumaling

LUNGSOD NG BAGUIO – Apat na kumpirmadong kaso ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa probinsiya ng Pangasinan ang gumaling, ayon sa Provincial Health Office (PHO).
Ipinatutungkol ni PHO chief, Dr. Anna Ma. Teresa de Guzman ang pasipa ng mga kaso ng COVID-19 sa probinsiya sa pagkakaroon ng Omicron variant community transmission.
“We are at moderate risk, not in critical, that is why we were placed under Alert Level 3 system to prevent a further surge in cases and we could already place interventions,” aniya sa question hour sa Sangguniang Panlalawigan (provincial board) noong nakaraang Lunes.
Sinabi ni De Guzman na ang mga kumpirmadong kaso ng Omicron ay base sa advisory ng Department of Health (DOH) sa Dagupan City, Urdaneta City, Sto. Tomas, at bayan ng Mangatarem. “They tested positive on December 26 and by now, they have already finished their 14- day quarantine period and have already recovered,” aniya.
Idinagdag niya na nakaranas sila ng mga banayad na sintomas at nakumpleti ang isolation sa kanilang mga bahay. Sinabi ni De Guzman na ang pamahalaang lalawigan ay pinapalakas ang pagbabakuna dahil ang bakuna ang “gamechanger” o magpapabago sa sitwasyon sa laban kontra COVID-19.
Hanggang Enero 17, ang probinsiya ay lubos nang nabakunahan ang 1.6 milyon na puntirya nitong eligible population at 1.9 milyon ang nakatanggap na ng unang dose.
Ang bilang ng arawang mga kaso ng COVID-19 sa probinsiya ay nasa 115 na ngayon. The number of daily Covid-19 cases in the province is now at 115.
“After receiving the confirmation, the local government unit immediately conducted contact tracing up to the third generation of exposure,” aniya sa isang panayam sa telepono.
Sinabi ni DOH-CHD-1 Covid-19 focal person Dr. Rheuel Bobis na ang Omicron variant ay lubhang nakakahawa at bagaman may banayad na sintomas ito, ilan ay nakararanas pa rin ng malubha at kritikal na mga sintomas lalo na sa mga may comorbidities at hindi pa nababakunahan o di pa lubos na nababakunahan.
Pinaalalahanan niya ang publiko na mahigpit na sumunod sa minimum health protocols at magpabakuna.
Lahat ng mga probinsiya sa Rehiyon ng Ilocos ay nasa ilalim na ngayon ng Alert Level 3 status.
(HA-PNA Ilocos/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon