4 na wanted persons, arestado ng Ifugao PPO

CAMP COL. JOAQUIN P DUNUAN, LAGAWE, IFUGAO – Alinsunod sa Peace and Order Agenda for Transformation and Upholding the Rule of Law 2030 (PNP PATROL PLAN 2030) ng PNP, ang Ifugao PPO sa ilalim ng pangangasiwa ni Acting Provincial Director PSSupt Mark Danglait Pespes, mga tauhan ng Alfonso Lista MPS at Kiangan MPS ay pinalakas ang implementasyon ng Letter of Instruction (LOI) Manhunt “Charlie” upang arestuhin ang mga wanted persons.
Naaresto si Gleen Manghi Tumitit, 44 anyos, single, magsasaka, tubong Nagacadan, Kiangan, Ifugao at kasalukuyang nakatira sa Middle Rock Quarry, Baguio City, bandang 7am ng Marso 30 ng trackers team ng Kiangan MPS na pinangunahan ni PInsp. Romualdo I Gano-Decop, mga tauhan ng BCPO Station 5, PIB-Ifugao PPO at RID-PROCOR.
Naaresto si Tumitit sa kaniyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Romeo U. Habbiling, presiding judge ng RTC Branch 14, Lagawe, Ifugao para sa paglabas sa Article VI, Section 10 (a) ng RA 7610 o Anti-Child Abuse Law na may Criminal Case No. 2094 at may bail bond na P80,000.
Ang naarestong suspek ay nakalista bilang No. 6 Most Wanted Person Provincial Level for the First Quarter CY-2018. Inilipat ang suspek ng trackers team mula Baguio City papuntang Kiangan MPS para sa tamang disposisyon at dokumentasyon bago ang kaniyang pagharap sa korte na nag-issue ng warrant.
Naaresto naman ng tracker team ng Kiangan MPS na pinangunahan ni PCI Roy Tulean Awisan, kasama ang mga tauhan mula sa Ifugao Provincial Mobile Force Company (IPMFC) si Antonio Dinamling Buyucan, 71 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Sitio Tannibung, Pindongan, Kiangan, Ifugao, bandang 8pm ng Marso 29.
Naaresto ang suspek sa kapitbahay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Habbiling.
Ang suspek ay inihabla sa krimeng Acts of Lasciviousness in Relation of RA 7610 na may Criminal Case No. 2833 at bail bond na P170,000.
Dinala ang suspek sa Kiangan MPS para sa dokumentasyon bago ang kaniyang pagharap sa korte.
Bandang 4:40pm ng Marso 29, ang mga tauhan ng Alfonso Lista MPS kasama ang mga tauhan ng IPMFC na pinangunahan ni PSInsp. Edwin P Fucasan, ay inihain ang warrant of arrest kay Dervie Igadna Bimmoy, 37 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Purok 5, San Quintin, Alfonso, Lista, Ifugao.
Ang naarestong suspek ay inihabla sa kasong Adultery na may Criminal Case No. III-18-924 na inilabas ni Judge Jesse Haris B. Namujhe, Presiding Judge ng 3rd Municipal Circuit Trial Court, Alfonso, Lista, Ifugao na may bail bond na P12,000 para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Ang suspek ay dinala sa Alfonso Lista MPS para sa dokumentasyon bago ang kaniyang pagharap sa korte.
Inaresto ng pinagsamang mga tauhan ng Kiangan MPS, RIU14 at IPFMC na pinangunahan ni PCI Roy T. Awisan si Felipe Puhay Attam, 37 anyos, magsasaka, may asawa at residente ng Cauayan, Asipulo, Ifuga, bandang 12:10pm ng Marso 28.
Ang suspek ay naaresto sa Duit, Kiangan, Ifugao sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas ni Judge Aida D. Coliflores, presiding judge ng MTC Branch 122, Las Pinas City, dahil sa Other Forms of Trespass na may Criminal Case No. 67593 at bail bond na P2,000.
Ang suspek ay iprinisinta kay Judge Habbiling ng RTC Branch 14 at kalauna’y pinalaya matapos magbayad ng bail bond para sa kaniyang pansamantalang kalayaan. PO2 Corazon B Humiwat/PO2 Joseph B Guinichon/SPO3 Francis CB Habiatan

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon