400 prangkisa ng taxi tinutulan ng konseho ng Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinutulan ng konseho ng Baguio ang pag-isyu ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng karagdagang 400 prangkisa sa taxi at binigyang diin na ang hakbang ay lalong magpapalala sa kundisyon ng trapiko sa lungsod.

Nitong Agosto 5 ay nagpasa ang Sangguniang Panglungsod ng isang resolusyon na nagsasabing “the additional taxi units will definitely swell the existing traffic and parking problem of the city considering that the memorandum entails an increase in the number of vehicles, hence the opposition.”

Ang resolusyon ay iniakda ng lahat ng konsehal, kabilang si Vice Mayor Faustino Olowan. Sinabi ng konseho sa resolusyon na, “the existing taxi units can service our city even with the increase in population, growth in tourism, cancellation and expiration and abandonment of Certificate of Public Convenience (CPC).”

“The alleged perceived increase in the demand for taxi service in the city can never be attributed to the shortage and decrease in the number of taxi units but to the heavy traffic brought about by the voluminous number of vehicles plying the city roads, the narrow condition of the city roads and lack of sufficient parking,” nakasaad pa sa resolusyon.

Naglabas ang LTFRB central office ng Memorandum Circular 2019-016 na nag-uutos sa pagbubukas ng karagdagang mga prangkisa sa taxi para sa Baguio City, La Trinidad, Benguet at kahit saang punto sa Cordillera Adminsitrative Region at Butuan City at saan mang punto sa rehiyon ng CARAGA.

Ang memo circular ay ibinase sa isang survey ng LTFRB sa Cordillera Administrative Region. Noong nakaraang Miyerkules ay tinutulan ni Mayor Benjamin Magalong ang pag-isyu ng karagdagang prangkisa sa taxi na sinabing inilabas ito na hindi man lang kinonsuta ang lokal na pamahalaan na siyang mas nakakaalam sa sitwasyon.

Sinabi niya na binuhay ng Board ang 200 na “patay” nang prangkisa at gayubdin nag-isyu ng 200 panibagong prangkisa kung saan 400 na karagdagang taxi units ang magpapalala sa masikip nang mga lansangan sa lungsod.

“We have earlier already talked to them [LTFRB] about the 200 franchises…which they said they will look into but it is disappointing to note that even while we were talking to them, they have also approved the issuance of 200 new franchises,” ani Magalong.

Sinabi ng mayor na dadalhin niya ang usapin sa Department of Transportation (DOTr) at tututulan ang implementasyon ng utos na nag-iisyu sa mga prangkisa.

PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon