44 WORLD WAR II VETERANS BINIGYAN NG U.S. CONGRESSIONAL GOLD MEDAL

BAGUIO CITY

Apatnapu’t apat na Filipino World War II veterans, na kinabibilangan ng 11 Living at 33 Posthumous ang binigyan ng pinakamataas na parangal, ang United States Congressional Gold Medal, sa ginanap na awarding ceremony sa Baguio Convention and Cultural Center, Baguio City,noong Setyembre 3. Ang ika-34 U.S Congressional Gold Medal awarding ay pinangunahan ni Assistant Director Kevin MCallister,, ng Manila Regional Benefit Office, U>S Department of Veterans Affairs Representative, US Ambassador to the Philippines; USEC Reynaldo Mapagu, Administrator, Philippines Veterans Affairs Office Representative, Department of National Defense and Mayor Benjamin Magalong.

Sa 11 nabubuhay mula sa kanilang pakikipaglaban noong panahon ng giyera, ay tanging si Sgt. Eumelia D. Cacanindin, ang nakarating sa awarding na bagama’t naka-wheelchair ay kitang-kita pa ang kalakasan ng katawan nito. Si Cacanindin, na ngayon ay 99 years old, ay kabilang sa Women’s Auxiliary Service (WAS), ng 2nd Battalion, 121st Infantry United States Army Forces in the Philippines. Siya ay nag-render ng wartime service mula Marso 21,1944 hanggang Abril 30,1945 at sumali sa paglaban at nagsilbi sa Women’s Auxiliary Service bilang medical aide, sa edad na 19.

Isa siya sa mga tauhan ng WAS na gumamot sa mga sugatan at maysakit na sundalo noong mga operasyong ambush laban sa mga patrol ng kaaway at mga pagsalakay laban sa mga detachment ng kaaway sa mga lugar ng Ilocos Sur at La Union. Tumulong din siya sa pagkuha ng mga kinakailangang suplay at materyales mula sa mga tapat at sumusuportang komunidad. Siya ay marangal na pinalabas noong 1945 at bumalik sa buhay sibilyan.

Ang iba pang kabilang sa Living Awards, subalit ang tumanggap ng award ay ang kani-kanilang kamag-anak, ay sina Private Estrella Nares, miyembro ng Women’s Auxiliary Service (WAS), ng 2nd Battalion, 121st Infantry United States Army Forces in the Philippines-Northern Luzon; Private Juan Cabe, kasapi ng “M” Company,3rd Battalion,121st Infantry United States Army Forces in the Philippines-NL, na ngayon ay 96 years old.

Private Esther Fe, miyembro ng WAS, ng 2nd Battalion, 121st Infantry United States Army Forces in the Philippines-Northern Luzon, na ngayon ay 97 years old; Private Prudencio Paguirigan, miyembro ng Bolo Unit, Headquarters Service Battalion, 121st Infantry Regiments USAFIP-NL, na ngayon ay 97 years old; Private Antonia Sanchez,miyembro ng WAS “B” Company,1st Battalion, 121st Infantry United States Army Forces in the Philippines-NL, na ngayon ay 98 years old.

Private Virgilio Costales, nagsilbi bilang Land Communications Service Company,121st Infantry United States Army Forces in the Philippines-NL, na ngayon 100 years old; Private First Class Maximo Lictaoa, ng “B” Company,56th Engineer Construction Battalion,New Philippine Scouts as combat engineer, na ngayon ay 100 years old. Sergeant Martin Lubrin,na nagsilbi sa “A” Company,1st Battalion, 121st Infantry United States Army Forces in the Philippines-NL, na ngayon ay 100 years old; Private Regina, miyembro ng WAS, 121st Infantry United States Army Forces in the Philippines-NL, na ngayon ay 100 years old at Private Constancia Nones, miyembro ng WAS,121st Infantry United States Army Forces in the Philippines-NL, na ngayon ay 101 years old na.

Ang mga Posthumous awardees ay sina Bgen. Vicente M. Yngente, Col. Mapagtapat Nepomuceno Ongchangco, Col. Magtangol Nepomuceno Ongchangco, Col. Mariano Villarista Aguilar, Col. Henry Tiwakon Acmor, Maj. Alfredo Gayagay Lam-en, Maj. Alfredo Fernando Flores, Cpt. Bernardo Lamadrid, 1Lt. Angel Dobid Bacoling, S/Sgt. Edwin F. Sagmayao, S/Sgt. Canuto Halog Mabalot. Sgt. Teodoro Veraque Paglinawan, Sgt. Laureano Caoile Colcol, T/4.

Juan Dail Catabay, Cpl. Flores Bayawa Laoyan, Cpl. Maximo Capia Tacay, Cpl. Michael Mango, Cpl. Alfredo Caingitan Vergara, T/5. Manneng, Pfc. Melecio Durango Chiquillo, Pfc. Eufemiano Rigor Gacutan, Pfc. ALfredo Fernandez Morillo, Pvt. Giorgio Ursua Fran, Pvt. Rufino Dacoco Abacco,, Pvt.Inyong Pasigon, Pvt. Silvino Binabise Blaza, Pvt. Nelly Milan Lopez, Pvt. Comaad, Pvt. Barnabas Chason, Pvt. Washington Paran, Pvt. Alfredo Dangle Culbengan, Pvt. Nemesio Samidan at BGen.

Zosimo Paredes

Amianan Balita Ngayon