442 KATAOAPEKTADO NG BAGYONG CARINA SA BAGUIO

BAGUIO CITY

May kabuuang 96 pamilya, na kinabibilangan ng 442 individual mula sa limang barangay ang iniulat na naging
apektado ng malakas na ulan at hangin ng bagyong Carina na nanalasa sa siyudad ng Baguio. Sa talaan ng Disaster
Response Operation Management Information and Coordination System ng City Social Welfare and Development Office nitong Hulyo 26, ang Barangay Irisan ang may pinakamaraming apektado ng bagyo na 26 pamilya o’ 132 individual, sinundan ito ng Barangay Campo Filipino, 7 pamilya o 30 individuals.

Pitong pamilya o 29 individual sa Barangay Lower Magsaysay, 6 pamilya o 37 individual sa Barangay Pinsao Proper at 5 pamilya o 24 individual sa Barangay Dontogan. Ang mga apektadong pamilya na inilikas sa kani kanilang lugar ay dulot ng soil erosion-43, flood-26, landslide-8, damaged roof-6, at risk of landslide-6, at risk of erosion-4 at strong wind-3. Iniulat na walang nasaktan,Nawala o namatay sa kasagsagan ng kalakasan ng bagyo, samantalang 14 na kabahayan lamang ang nasa partially damaged.

Iniulat din ng CSWDO, na may kabuuang P151,885 halaga ng mga assistance ang naipamahagi, na ang P96,500
na food packs ay mula sa local government unit; P51,185,00 na halaga ng hygiene kit,sleeping kit,family kit at kitchen kit ay mula sa DSWD at P1,200 halaga ng blankets ay mula sa nagbigay ng donasyon.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon