47 huli sa liquor ban sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – May kabuuang 47 katao ang naaresto dahil sa paglabag sa pagbabawal sa pagbenta at pag-inom ng nakakalasing na produkto kaugnay sa isinasagawang halalan, ayon sa isang opisyal ng pulis nitong Lunes.
“There were 47 individuals arrested in Baguio City pursuant to the provisions of the Omnibus Election Code on the liquor ban or Enbanc Resolution No. 10429,” ani Baguio City Police Office (BCPO) acting city director Allen Rae Co.
Sinabi niya na ang mga naaresto ay naitala mula 12:01 a.m. ng Mayo 12 hanggang tanghali ng Mayo 13.
Sinabi ni Co na ang liquor ban ay ipinatupad upang mahadlangan ang marahas na insidente o krimen na maaaring magawa ng tao kapag nasa ilalim na ng impluwensya ng alak.
“Selling and drinking of alcoholic beverages in public are prohibited as well as in establishments, except those certified by the Department of Tourism (DOT) as touristoriented,” aniya.
Ayon pa kay Co, ang mga naarestong indibiduwal ay nasa hustong gulang. Sa 47 na naaresto, 37 ay nahuli sa Akira Bar sa Magsaysay Avenue; pito (7) ang nahuling umiinom sa Cabana Bar and Eatery; at lima (5) sa Tapao, West Quirino Hill.
Lahat sila ay nahuli noong Mayo 12. Sinabi niya na ang lahat na nahuli ay nasa kustodiya ng pulis habang inihahanda ang mga kaukulang kaso laban sa kanila sa paglabag sa election liquor ban.
Samantala, sa parehong araw ay dalawang katao ang inaresto sa Bryan Lee’s Food House sa Kalang-ad Building Pakkil, Caluttit, Bontoc, Mountain Province.
Dinala ang mga naarestong indibiduwal sa Bomtoc police station para sa tamang disposisyon.
Ang liquor ban ay epektibo hanggang hatinggabi ng Mayo 13.
 
PNA/PMCjr./ABN

Amianan Balita Ngayon