48 kumpanya, makikiisa sa Labor Day jobs fair

Apr 22, 2017

Halos 48 na mga kumpanya mula sa lokal at nasyonal ang makikiisa sa taunang Labor Day jobs fair na gaganapin sa Baguio Convention Center sa Mayo 1, 2017 mula 8am hanggang 5pm.
Ayon kay Executive Assistant IV ng City Mayor’s Office at Public Employment Service Office (PESO) Manager Designate Jose Atanacio na sa makikilahok ng mga kumpanya, 33 dito ay magbibigay ng trabaho pang-lokal samantalang ang 15 kumpanya ay mag-aalok ng trabaho sa iba’t ibang parte ng mundo para sa mga interesadong aplikante.
Ang taunang Labor Day jobs fair ay pinangunahan ng lokal na pamahalaan at ng Department of Labor and Employment (DOLE)-Cordillera upang matulungan ang mga residente na makahanap ng trabahong makatutulong sa pag-angat ng pamumuhay ng kanilang pamilya.
Ang mga makikilahok na local companies ay ang FC Laranang Group of Companies, Isonn Marketing, John Hay Management Corporation, SITEL Philippines Corporation, SM Super Value Inc. (SM Supermarket), The Manor at Camp John Hay, Monol International School, Baguio Country Club, Mainstream Business Inc., Tiong San, City Light Hotel, 51 Talk Philippines, SM National Book Store, Triple A, Pines International Academy, Sutherland Global Services, IQOR Phils. Inc., Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, Convergys, Jollibee Food Corporation, HEDCOR Inc. (Aboitiz Power Company), Expression’s Stationary Shop Inc./Mart One Department Store, Sunshine/Mcdonald’s/Hotel Veniz, Ace Hardware Philippines Inc., RRJ Greatsit Makers Inc., Jenmen Engineering, Tree Top Adventure, SM Toy Kingdom, SM Appliance Center, SM Homeworld Shopping Corporation, SM Baby Company, Chowking, at Summit Bank/Prime Hotel.
Gayunman, ang listahan para sa mga lalahok na kumpanya para sa overseas employment ay hindi pa naihahayag ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dahil isinasaalang-alang ang validation na isinagawa para sa mga bakanteng posisyon at ang job order mula sa bansang nais na puntahan.
Payo pa ni Atanacio sa mga aplikante pang-lokal at overseas na magdala ng maraming set ng credentials na maaaring isumite sa iba’t ibang kumpanyang nangangailangan ng kanilang serbisyo upang magkaroon sila ng pagkakataong makakuha ng trabaho, kahit pa right on the spot oras na magustuhan ang kanilang credentials.
Pinaalalahanan pa niya ang mga aplikante na pumunta sa jobs fair nang maaga upang mas masiyasat ang mga kumpanyang nais nilang pagbigyan ng kanilang aplikasyon pang-lokal o pang-overseas.
Bukod sa Labor Day jobs fair, pangungunahan din ng lokal na pamahalaan ang pangangasiwa ng Kalayaan jobs fair sa darating na selebrasyon ng Independence Day at ng Baguio Charter Day jobs fair na parte ng aktibidades na nakahanda para sa month-long celebration ng Charter Anniversary ng lungsod. PIO / ABN

RELATED POSTS

COURTESY CALL

COURTESY CALL

Hon. Jose Warren P. Villa, Vice Mayor San Juan City, Metro Manila paid a courtesy call to Baguio City acting Mayor Faustino A. Olowan at...

URBAN SKETCHING

URBAN SKETCHING

The two artists in the Session: SketchTour of Baguio on September 30 are Aurelio Castro III, sitting and sketching, in conversation with...

PART AT YOUR OWN RISK

PART AT YOUR OWN RISK

-diggings of sewerage projects along Kisad Road cause traffic problems to motorists due lack of road signs Carlos C. Meneses/ABN

AMIANAN POLICE PATROL

4 police commissioned officers nakakuha ng mataas na posisyon sa PROCOR BAGUIO CITY – Apat na police commissioned assumed key positions at...

LATEST NEWS

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

LA UNION 121ST POLICE SERVICE ANNIVERSARY

Affirming the Provincial Government of La Union’s support to the Philippine National Police’s commitment in securing a peaceful and orderly province, Gov. Raphaelle Veronica “Rafy” Ortega-David graced the 121st Police Service Anniversary celebration of the La Union...

DEVELOPERS MEET, DISCUSS SOLUTIONS FOR THE COUNTRY’S HOUSING INDUSTRY

As of 2017 , housing backlog estimated at 6.7 million ; developers target building two million for 2022 Every Filipino family aspires owning a home. Years, the Subdivision and Housing Developers Association, Inc. (SHDA) has relentlessly been trying to make that dream...

FACE MASK BOLUNTARYO NA ANG PAGGAMIT SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa mga naasiwa na sa paggamit ng facemask ay nagbigay na ng signal si Mayor Benjamin Magalong at ang city council sa pamamagitan ng naaprubahang resolusyon na puwede ng hindi mag face mask o’ boluntaryo na lamang ang paggamit nito sa mga outdoor setting...

ADOPTED SON

ADOPTED SON

Iginawad ng provincial government ng Kalinga ang mataas na pagkilala kay PNP Chief Gen.Rodolfo Azurin,Jr., bilang adopted son ng Kalinga at pinangalanang "Inchakas" sa kanyang pagbisita sa lalawigan noong Setyembre 15, Photo by Kalinga PPO/ABN

MANNALON TI ILOCOS NORTE AGAPIT MANIPUD RICE HYBRID PROJECT

SUIDAD TI LAOAG, Ilocos Norte-Dagiti mannalon a nalipaset iti maysa a 160- hectare hybrid rice cluster technology demonstration project sadiay Ilocos Norte ket agapiten iti mulada inton sumaruno a lawas. Ipalgak dagiti nadumaduma a teknolohia ti panangpataud iti bagas...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest