5 estudyante,1 OSY, patay; 2 sugatan sa Mountain Province

BESAO, Mt. Province – Dulot ng malakas na buhos ng ulan at madulas na kalsada ang nakikitang sanhi umano ng pagkakahulog ng sasakyan sa 100 metrong lalim ng bangin na ikinamatay ng anim na kabataan na pawang magkakaibigan at himalang nakaligtas ang dalawa sa naganap na freak accident sa Besao Mountain Province noong Abril 21.
Kinilala ang namatay na sina Rhema Sumingwa,18, ng Besao National High School; Merley Docyogen,17,ng Saint James High School of Mountain Province Incorporated, kapuwa nakatira sa Catengan, Besao, Mountain Province; Hazel Solang,19, ng Saint James High School of Mountain Province; Dalog Kawi Mangallay,19, ng Panabungen School of Arts, Trades and Home Industries (PSATHI) at Johnwin Lip-aw Aligan, 21, ng PSATHI, kapuwa residente ng Barangay Patiacan, Quirino, Ilocos Sur at Lyndell Keith Alfonso,19, out of school youth.
Ang dalawang sugatan na ngayon ay ginagamot sa Besao District Hospital ay sina Lander Matikyeng,17, ng PSATHI at Novelyn Sagantiyoc,18,ng Besao National High School, kapuwa residente ng Patiacan, Quirino, Ilocos Sur.
Sa imbestigasyon, nakatanggap ng impormasyon ang Besao Municipal Police Station mula sa concerned citizen na may nahulog na sasakyan sa bangin mula sa kalsada ng Sitio Bunga, Barangay Catengan, Besao, Mountain Province, dakong alas 4:30 ng hapon.
Agad na nag-responde ang mga tauhan ng pulisya, Bureau of Fire Protection-Besao, Besao Municipal Health Office, Philippine Army, Barangay Officials at community members ng Sitio Bunga at nakita ang kulay gray na Tamaraw FX na may plakang UCZ 739 na totally wrecked.
Ang anim na pasahero ay idineklarang dead on the spot ng suriin Dr. Joy Dicdican, municipal health officers na nagtungo din sa lugar. Sinabi ni MSg Robinson Calngan.ng Besao MPS, nadiskubre lamang ang insidente nang isa sa nakatira di-kalayuan sa lugar na patungo sa kanyang farm ang nakakita sa isang survivor na humihingi ng tulong.
Ang driver at may-ari ng sasakyan na si Mangallay ay isa sa anim na namatay. Ang mga biktima ay pawang magkakaibigan na sinasabing
patungo sa isang okasyon nang maganap ang aksidente.
Ayon kay Calngan, ang mga labi nina Sumingwa at Docyogen ay dinala na sa kanikanilang bahay, samantalang ang labi nina Alfonso, Solang, Mangallay at Aligan ay inihatid na sa kanilang sa Quirino, Ilocos Sur.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon