5 sundalo, sumakit ang tiyan sa kinain na kabute sa Abra

Itinakbo sa isang rural health facility ang limang sundalong nakatalaga sa bayan ng Bucloc sa Abra dahil sa reklamo ng pananakit ng tiyan, sakit ng ulo at pagtatae, hapon ng Hulyo 16, 2018.
Ang mga sundalong dinala sa rural health facility ay sina Sergeant Leo Tiwing Lobrino Jr., 39, ng Nueva Ecija; Corporals Rence Garma Molina, 40, ng Baguio City; Peter Conde Dela Cruz ng Nueva Ecija; Privates Kenneth Cuello, 23, ng Nueva Ecija; at Private Aris Trusilla Buensejo, 27 ng Baler, Aurora.
Pinaghinalaan ng mga otoridad na nagkasakit ang mga sundalo matapos kumain ng native mushroom na kinuha sa Sitio Tinoon, Brgy. Labaan, Bucloc.
Ang limang sundalo ay mula sa 24th Infantry Battalion ng Philippine Army na nakatalaga sa northern Abra at lumalaban sa mga komunistang grupo sa lugar. A.ALEGRE

Amianan Balita Ngayon