5 WANTED SA RAPE, NASAKOTE SA CORDILLERA

LA TRINIDAD, Benguet

Pitong wanted person, kabilang ang limang regional top mist wanted person na may kasong rape ang magkakasunod na nadakip sa magkakahiwalay na lugar, matapos ang isinagawang apat na araw na manhunt operation sa Cordillera,noong Hulyo 6-9. Ayon sa Police Regional Office Cordillera Administrative Region (PRO-CAR) isang 24
anyos na lalaki, na nakalista bilang No. 4 Top Most Wanted Person (TMWP) sa Regional level sa 3rd Quarter CY 2024 dahil sa krimen ng Stututory Rape, ang nasakote sa may Honeymoon Road, Baguio City, samantalang isa pang
indibidwal na kinilala bilang isang 27-anyos na lalaki, na nakalista bilang No.3 TMWP sa Regional Level sa 3rd Quarter CY 2024, na may kaso ding statutory Rape ang nahuli sa Barangay Tiptop, Ambuklao Road, Baguio City.

Isang 39-anyos na lalaki na kinilala bilang No. 2 Regional Most Wanted Person, na may kasong Sexual Assault at Rape, ang nadakip ng mga tauhan ng Apayao PPO sa Barangay Sacpil, Conner, Apayao, Nadakip naman sa Alfonso Lista Ifugao, ang isang 58-anyos na lalaki, na nakalista bilang No.5 Regional Most Wanted Person, na may kasong Statutory Rape, samantalang sa Mountain Province ay nadakip ang isa pang suspek sa kasong Rape, na nakalista bilang No.6 Regional Most Wanted Person. Hindi naman nakalusot sa pagtatago ang isang 28-taong gulang na lalaki, na nakalista bilang No.10 Top Most Wanted Person sa Regional Level sa kasong Robbery with Homicide, matapos masundan ito ng mga tauhan ng Benguet PPO, BCPO, RIU-14, RID, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at Quezon City Police District sa Northern Samar.

Gayundin, sa Barangay Bulanao, Kalinga, ang pinagsamang pagsisikap ng 1st Kalinga Provincial Mobile Force Company, PIU, Tabuk City Police Station, BCPO ay humantong sa pagkakaaresto sa isang 23-anyos na lalaki dahil sa parehong paglabag sa RA 9262.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon