51 menor de edad, nahuli; 13 Badjao, nasagip sa Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Iniulat ng Baguio City Police Office (BCPO) na may 51 menor de edad ang nahuli at ipinasa sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa unang quarter ng taon.
Ang mga menor de edad ay hinuli dahil sa paglabag ng ilang ordinansa ng lungsod partikular ang curfew ng mga menor de edad sa ilalim ng City Ordinance (CO) 50 series of 2009, anti-graffiti (CO 41 series of 2008), anti-smoking (CO 8 series of 2008), at prohibition in amusement centers o loitering sa oras ng klase (CO 15 series of 2000).
Samantala, 13 menor de edad at lima pang nasa wastong gulang na Badjao ang nasagip ng BCPO at ibinalik sa pangangalaga ng DSWD sa unang quarter ng taon.
Ang naturang mga operasyon ng kapulisan ay isinagawa mula Enero hanggang Marso 2017 sa pamamagitan ng Oplan Rizal at Oplan Badjao. Liezel Eunice Callejo, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon