54 kakandidatong konsehal sa Baguio, 5 kongresman, 9 mayor, at 6 bise mayor

LUNGSOD NG BAGUIO – Umabot sa 54 ang bilang ng mga naghain ng kandidatura para sa 12 na puwesto sa konseho ng lungsod.
Ang mga magtutunggali naman para sa pagka-kongresman ay lima, siyam sa pagka-mayor at anim sa pagka-bise mayor.
Makakatunggali ni re-electionist Congressman Mark Go ng Nacionalista Party ang walang talo sa pulitika sa nakalipas na 31 taon na si Mayor Mauricio Domogan ng UNA, samantalang hangad naman ni Atty. Nicasio Aliping ng Liberal Party na makabalik sa kongreso matapos na matalo noong nakaraang eleksyon.
Comebacking din sa pagtakbo sa kongreso si dating Mayor Peter Rey Bautista ng Lakas CMD at ang neophyte na si Rafael Wasan na pambato ng PDDS DPP.
Bagama’t wala ang kinatatakutang hindi natatalo sa posisyon na si Domogan, siyam ang magtutunggali para sa mayor ng Summer Capital.
Si Edison Bilog, na magtatapos ang termino bilang vice mayor ay kakandidato sa mataas na posisyon bilang mayor sa ilalim ng PDP Laban, samantalang si Atty. Edgar Avila ng UNA, na nasa unang termino pa lamang na konsehal, ay naghain din ng kandidatura sa pagka-mayor.
Maging si Atty. Leandro Yangot ng PFP, na No.1 sa city council, ay hangad din na maging alkalde ng lungsod, samantalang si Atty. Jose Molintas ng LP na palaging kumakandidato bilang mayor ay muling makikipagsalaran ngayong eleksyon.
Ang mga neophyte na handa ring magsilbi sa lungsod ay sina retired Police General Benjamin Magalong ng NPC; retired government employee Benny Alhambra, Independent; Labio Calingayan, PDP Laban; Jeffrey Pinic, Independent; at dating konsehal ng siyudad Tony Boy Tabora, Lakas CMD.
Apat na city councilor naman ang naghangad sa posisyon na vice mayor na sina Elmer Datuin, Peter Fianza, Faustino Olowan at ABC President Michael Lawana.
Makakaharap nila sina Atty. Rene Cortes at Felizardo Garcia. Hangad namang mapanatili ang kanilang posisyon bilang city councilors sina Joel Alangsab, Elaine Sembrano, Robert Ortega VI, Art Allad-iw, Benny Bomogao, Lilia Farinas, Mylene Yaranon at Philian Weygan.
Makakatunggali nila ang mga dating konsehal na sina sina Betty Lourdes Tabanda, Richard Carino, Fred Bagbagen at Isabelo Cosalan Jr.
Ang mga baguhan at dati nang kumandidato bilang konsehal pero hangad ay makapag-serbisyo sa lungsod ay sina Zosimo Abratique, Aurora Alambra, Ricardo Bagalawis, Edgar Allan Beltran,
Basilio Binay-an,Villamor Bumaglag, Phillip Canuto, Angeline Carino, Vladimir Cayabas, Robin Coteng, Mario delos Reyes, Arthur Dimaguila, Thomas Dumalti, Bernard Ellamil Jr., Lalaine Estolas, Florentino Farinas, Erickson Ferrer, Marilou Gacad, John Glenn Gaerlan, Edilberto Gapuz, Guillermo Hernandez, Marvin Herrera, Victor Jimenez, Jan Henric Liquete, Caesar Malicdan, Ryan Dale Mangusan, Antolen Mascarinas, Grace Mayos, Michael Medina Jr., Amy Mondero, Gordon Monserrate, Nicanor Nialla, Ronald Perez, Esteban Somngi, Gueliro
Sugano, Teodirico Tan, Connie Tongawan, Gerry Uy, Jonathan Vergara, Marvin Villareal, Marvin Yang-ed at Karminn Yangot.
Samantala, mahigpit ang babala ng Commission on Elections na hindi pa panahon ng kampaya at ito ay magsisimula sa Marso 30 hanggang Mayo 11.
Nagbabala din ang komisyon sa mga kandidato na mahilig sa vote buying para lamang manalo at ang sinumang mahuli ay may kaukulang kaso at pagkadisqualified sa posisyon.
Sa kasalukuyan ay wala pang naghahain ng petisyon para sa nuisance candidate. ZALDY COMANDA / ABN

Amianan Balita Ngayon