56 bilanggo bumoto noong Mayo 13

LUNGSOD NG BAGUIO – May kabuuang 56 persons deprived of liberty (PDL) mula sa dalawang district jail facility sa lungsod ang binantayan ng pulis sa 17 polling centers upang matupad nila ang kanilang karapatan sa ilalim ng konstitusyon na bumoto sa mid-term elections noong Lunes.
“Our PDLs still have their right to vote despite their situation,” ani Baguio City Jail warden Crispin Dornagon. Suot ng 56 PDLs – 52 mula sa Baguio City Male Dorm at apat mula sa Baguio City Female Dorm (BCFD) – ang kanilang kulay kahel na uniporme na pumunta sa voting centers kasama ang mga personnel ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Sinabi ni Domagon na nauna na nilang hiniling sa Commission on Elections (Comelec) na mag-set up ng isang polling station sa loob ng kulungan subalit hindi ito pinagbigyan.
Sinabi niya na ang court order sa pagpayag na bumoto ang mga bilanggo ay inilabas ni Judge Mia Joy Oallares- Cawed noong nakaraang Biyernes.
“Our PDLs (would) not be allowed to vote if there (is) no existing court order,” ani Dornagon, at sinabing mahigpit na ipinatupad ng BJMP ang kanilang standard operating procedure (SOP) sa
pagpapatupad ng kautusan.
Samantala, sianbi ni Jail Senior Inspector April Rose Ayangwa na sampung PDL sana mula sa BCFD ang boboto ngunit apat lamang ang nakaboto.
Sinabi ni Ayangwa na hindi na bumoto ang anim sa dahilang ayaw nilang isuot ang uniporme ng bilanggo. Ang pagsuot ng uniporme ay para sa dahilang pang-seguridad maliban pa sa may bantay silang mga jail guard.
“Some of our PDLs were embarrassed to cast their votes since we are strictly implementing our SOP. They need to wear their uniforms and their escorts were really in full uniform,” ani Ayangwa.
 
PNA/PMCJr./ABN

Amianan Balita Ngayon