587 COVID DEATH NAITALA SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Sa nakalipas na sampung buwan ngayong taon ay naitala ang 587 katao ang namatay sa coronavirus disease (COVID-19), kumpara sa 65 katao noong taong 2020 na nagsimula ang pandemya.
Itinuturing din ng City Health Service Office (CHSO) na ang buwan ng Oktubre 2021 ang city’s deadliest month ng pandemya na nakapagtala ng 171 deaths dulot ng kasagsagan ng Delta variant contagion.
Ayon sa CHSO, 88.46 percent ng COVID patients na namatay noong nakaraang buwan ay karamihan ay unvaccinated o’ not fully vaccinated.
“The October figure comprised 25.7 percent of the city’s total mortality of 665 as of Nov. 1,” ayon kay CHSO Dr. Rowena Galpo.
Sa nasabing bilang ay kabilang 17 fatalities noong previous month, pero nai-report lamang ito nakaraang buwan nang nagsagawa ng validation at update ng records ang departamento.
Lumitaw sa pagsusuri ng UP Baguio Department of Mathematics and Computer Science at ng CHSO, karamihan sa mga namanatay sa virus ay mga senior citizen at persons with comorbidities.
Sa datos ng city’s total mortality record bawat buwan ay ang sumusunod; per month follows: Marso – 1; Abril – 0; Mayo – 0; Hunyo – 1; Hulyo – 1; Agosto – 6; Setyembre – 2; Oktubre – 16; Nobyembre – 13; Disyembre – 26, sa kabuuang 65 noong 2020.
Sa taong 2021, Enero-27; Pebrero-12;Marso-23;Abril-85;Mayo-53;Hunyo-17;Hulyo— 26;Agosto –37;Setyembre—136;Oktubre – 171 , sa kabuauang 587.
Sinabi naman ni Mayor Benjamin Magalong na ang death rate sa kasalukuyan ay patuloy na bumababa, dulot ng agresibong kampanya na mabakunahan ang mga vulnerable sectors at persons with comorbidities.
“The city government is aggressively pursuing the vaccination program to attain herd immunity and move on to the new normal phase of the pandemic,” pahayag pa ni Magalong.
“ Napakalaking ginhawa sa dinadanas nating pandemya ang bakuna, dahil maiiwasan ang death o severe cases at kapag nabakunahan na ang buong population ay patungo na tayo sa new normal, kaya hinihkayat ko yoong umaayaw sa bakuna na gawin ito sa madaling panahon.”
Aniya, naabot na ng siyudad ang 88.6 percent vaccination accomplishment mula sa adult individuals na nabigyan ng one dose, samantalang 70.47 percent na sa fully vaccinated.
Inaasahan na bago matapos ang taon ay maabot na ang 100 percent vaccination mula sa 281 target na adult population ng lungsod.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon