6 bangkay, 2 kalansay, narekober sa bangin sa Tuba, Benguet

TUBA , Benguet —Dalawa sa anim na bangkay na nakuha sa bangin ng Sitio Poyopoy sa bayan ng Tuba, ang positibong kinilala ng kani-kanilang kamaganak, ayon sa Benguet Provincial Police Office,Camp Bado Dangwa,ng bayang ito.
Sa ginanap na media briefing noong Huwebes, sinabi ni Police Colonel Elmer Ragay, provincial director, ang ikatlong cadaver,mula pitong nakuha noong Oktubre 15, ay nakilalang si Fahad Manan Macalanggan,28, Tubong Marawi City at nakatira sa Crystal Cave Baguio City.
Kinilala siya ng kanyang ama na si Wahab Dima Macalanggan at kapatid na si Sohailyn, mula sa palatandaang tato sa katawan at suot nitong shortpant at sapatos. Sa tradisyon ng Muslim,agad itong kinuha at inilibing.
Ayon kay Ragay, ang pang- walong bangkay na nakuha kinabukasan sa lugar ay nakilalang si Kent Charlie Licyayo,22, tubong Hingyon,Ifugao at nakatira sa Hilltop,Baguio City.
Kinilala siya ng kanyang ina na si Josn Licyayo at girlfriend nito,mula sa suot nitong gold earring, silver ring at suot na damit. Sa imbestigasyon, napag-alaman na sina Macalinggan at Licyayo ay magkakilala at magkasamang nawala sa isang bus terminal noong Oktubre 8,2019.
Sa autopsy report ng PNP Crime Laboratory Service, namatay ang dalawa sa traumatic injuries on chest.” Posibleng bago dalhin ang mga biktima sa bangin ay may injuries na ito o’ buhay pa,pero sa lalim ng mabatong bangin ay posibleng tumama ang katawan nito sa mga bato,”pahayag ni Ragay.
Ayon pa kay Ragay, mahirap na kilalanin ang apat pang bangkay dahil ng boating at naaagnas na ang mukha at katawan at maging dalawang skeleton ay posible pang makilala.
“Ang advise na lang ng PCLS ay DNA test sa sinumang magpupursigeng i-claim ang bangkay. Nakunan na ng samples ang mga bangkay para sa DNA test, kaya sa mga nawawalan ng kamag-anak ay magtungo lamang sa Damayan Funeral para tignan mabuti ang bangkay.”
Kaugnay nito, binuo ni Ragay ang isang Task Group na tututok sa imbestigasyon para malutas ang mga identity at background ng mga biktima.
Hindi rin ikinaila ni Ragay na ang Sitio Poyopoy ay kilalang tapunan ng bangkay, kaya magsasagawa sila ng mga security measures para mahuli o maiwasan na gawing dumping site ang lugar.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon