6 katao,1 menor de edad huli sa pot session sa Benguet

CAMP DANGWA, Benguet – Pitong katao, kasama ang isang babaeng menor de edad ang huli sa akto habang nag pa-pot session sa La Trinidad, Benguet Lunes ng gabi, ayon sa Police Regional Office-Cordillera (PROCOR).
Sa pahayag ni PROCOR information officer Carolina Lacuata noong Martes, ang mga suspek ay kinilalang sina Beljimar Nabus Botic, 20 at Erickson Bucang, 23, kapwa residente ng Puguis, La Trinidad, Benguet; Jeric Espada Bittong, 19, ng Pico; Xaxunyro Ocampo, 27, ng Poblacion, Kilometer 6; Jideon Manzano, 49 at Rogen Castro Bangoy, 18, ng Betag, lahat sa La Trinidad, Benguet; at isang babaeng menor de edad.
“The arrest was a result of an information from a concerned citizen who informed the police that a pot session was ongoing in one of the boarding house at Barangay Betag (Ang pag-aresto ay resulta ng impormasyon na may nagaganap na pot session sa isa sa mga boarding house sa Barangay Betag na ipinabatid ng isang concerned citizen sa pulis),” ani Lacuata.
Nagtatag ng isang anti illegal drug operation ang pinagsamang operatiba ng PROCOR Regional Intelligence Division at ang mga miyembro ng Special Drug Enforcement Unit ng La Trinidad Municipal Police Station (MPS) na nagresulta sa pag-aresto ng mga suspek.
Nakumpiska sa mga suspek ang 12 heat-sealed sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at sari-saring mga drug paraphernalia.
Ang mga suspek ay nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act RA 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drug Acts of 2002, ani Lacuata.
Samantala, sa isang pahayag naman ay sinabi ni PROCOR regional director Israel Ephraim Dickson, “The accomplishment reflects the dedication and unwavering support of the public to the police force and to the marching orders of President Rodrigo Duterte to totally stamp out the proliferation of illegal drugs in the country (Ito ay katuparan kung saan ipinahiwatig ng publiko ang kanilang dedikasyon at walang humpay na suporta sa kapulisan at sa mga marching order ni Presidente Rodrigo Duterte para tuluyang matigil ang paglaganap ng mga illegal na droga sa bansa).”
 
PNA/MerriamJSdelRosario/ABN

Amianan Balita Ngayon