6 sasakyan, nagkarambola sa Bokawkan Road

Nagkarambola ang anim na sasakyan bandang 9:56am ng September 6 sa Bokawkan Road, Baguio City.
Ayon sa imbestigasyon, ang trak ng Isuzu Giga na may plakang AAQ 9801 at minamaneho ni Marcial Lacerona Tapel, 45 anyos at residente ng Camarines Sur, ay pababa sa lugar nang sumadsad ang trak dahil sa madulas na kondisyon ng kalsada at nabangga ang Toyota Revo wagon na may plakang XRE 629 at minamaneho ni Hilarion Rivera Caballa, 53, residente ng Irisan. Ang Toyota Revo naman ay natamaan ang Mitsubishi Spacegear na may plakang XJN 284 na minamaneho ni Marcon Gumpic Nga-eo, 42, residente Kibungan, Benguet. Nabangga naman ng Mitsubishi Spacegear ang Mitsubishi L300 FB na may plakang AHL 533 at minamaneho ni Elezar Eupalme Tomias, 29, residente Trancoville. Nabangga ng Mitsubishi L300 ang Toyota Altis Sedan na may plakang AHH 319 at minamaneho ni Beneil Allison Abenoja Laguna, 29, residente ng Lourdes Proper. At nabangga ng Toyota Altis ang Isuzu Elf truck na minamaneho ni Jake De Guzman Pendog, 21, residente Pinsao Proper.
Dalawa sa pasahero ng dalawang Mitsubishi ang nagtamo ng sugat na sina Angelo Bueza, 29 anyos at Nuebe Nga-ed, 41 anyos. Agad din namang dinala sa Baguio General Hospital ang mga biktima para sa agarang lunas at agad ding ini-release pagkatapos magamot.
Ang kaso ay kasalukuyang iniimbestigahan.

Amianan Balita Ngayon