63 dating rebelde nakatanggap ng P15 M tulong

LUNGSOD NG BAGUIO – May 63 dating rebelde (FRs), at 124 mass supporters sa “revolutionary movement” ng CPP/NPA/NDF sa rehiyon ang nakakuha ng pinansiyal na tulong na nagkakahalaga ng PhP15 milyon bilang benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.

“As of today, a total of 63 FRs and 124 ‘Militia ng Bayan” were given financial assistance under the E-CLIP program which is in line with President Rodrigo Duterte’s advocacy in reintegrating former rebels (FR’s) back to society, and help improve their living conditions,” sinabi ni Local Government Operations Officer (LGOO) IV Trisha Marie A. Dogup, ECLIP Focal Person ng Department of the Local and Interior Government-CAR sa isang teleconference.

Sa PhP15 milyon na naibigay na tulong pinansiyal, PhP2.7 milyon ay immediate assistance; PHP2.7 million ang livelihood assistance, PHP6.4 million ang firearms remuneration at PHP3.2 million para sa reintegration assistance.

Sinabi ni Dogup na ang pangako ng gobyerno na ihatid ang mga benepisyo ng E-CLIP ay hindi titigil, kahit pa sa pagdating ng isang krisis sa kalusugan. Dagdag ni Dogup na ang reintegration ng FRs sa mainstream society ay susubaybayan ng gobyerno, partikular ang kanilang kaligtasan gayundin ang kanilang mga pamilya.

Ipinaabot din niya ang imbitasyon para sa iba pang rebelde na nasa mga kabundukan pa na bumaba na at tumanggap ng reintegration program ng gobyerno. Ang DILG bilang tagapagpatupad ng E-CLIP ay binibigyan karapatan ang isangd ating rebelde na tumanggap ng immediate assistance na PhP15,000; livelihood assistance, PHP50,000; at firearms remuneration, na doble sa halaga ng isinukong armas.

Ang iba pang tulong gaya ng PhilHealth enrollment; registration sa government entities; healing at reconciliation initiatives, shelter, legal, medical at employment assistance ay maibibigay ng partner agencies.

Isang reintegration assistance ng PhP21,000 ay ibibigay din sa processing/receiving unit/s para subsistence o meal cost ng FRs na napasailalim ng proteksiyon ng mga tropa ng gobyerno habang prinoproseso ang kanilang iba pang benepisyo sa ilalim ng E-CLIP.

(PR- DILG- CAR/PMCJr.)

Amianan Balita Ngayon