63 POLICE OFFICERS TINANGGALAN NG MGA TSAPA SA CORDILLERA

CAMP DANGWA, Benguet – Animnapu’t tatlong police officers na nakatalaga sa Police Regional Office-Cordillera ang tinanggalan ng tsapa o’ tinanggal sa serbisyo, samantalang 10 Non- Uniformed Personnel (NUP) kaugnay sa patuloy na pinaiiral na Internal Cleansing Program ng PNP.
Kamakailan lamang ay inanunsyo ni Acting PNP chief Lt.Gen.Vicente Danao,Jr., na may 5,652 PNP personnel s iba’t ibang panig ng bansa ang natanggal na sa serbisyo dahil sa iba’t ibang kasong kinasasangkutan na nahatulang alisin sa hanay ng PNP organization.
Ipinagmamalaki naman ni Police Regional Office-Cordillera Director BGen.Ronald Oliver Lee na kakaunti lamang ang naging bahagi sa pigura sa rehiyon ng Cordillera.  Sa record ng PROCORRegional Personnel Records Management Division,mula 2016 hanggang sa kasalukuyan ay mayroon lamang 63 pulis ang dinismis sa serbisyo at 10 NUP ang natanggal sa trabaho sa PROCOR.
Maliban sa mga nadismiss, 3 police personnel ang pinagmulta, 14 ang na-demote, 150 pulis at 3 NUP ang nasuspinde, 136 ang napagalitan habang 13 ang pinigil ang kanilang previledges.
“Ang mga numerong ito ay manisfestation na hindi namin kinukunsinti ang sinumang miyembro ng PNP organization na lumalabag sa batas,” pahayag ni Lee. Noong 2019, ang PROCOR ay binansagan bilang “Home of Most Disciplined Cops” batay sa Assessment Report ng National Police Commission.
Upang matiyak ang disiplina ng mga pulis ng PROCOR, nakikipagtulungan si Lee sa Regional Internal Affairs Service (RIAS), PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) at NAPOLCOM sa pagsasagawa ng Internal Cleansing Program ng PNP.
Bukod pa riyan, regular na nagsasagawa si Lee ng mga station visit at inspeksyon sa iba’t ibang police provincial offices upang personal na suriin ang kapakanan at sitwasyon ng kanyang mga tauhan sa ground. Inatasan din niya ang Regional Crime Laboratory Service na patuloy na magsagawa ng random at regular na drug test upang matiyak na ang lahat ng mga tauhan ay sumusunod sa agresibong kampanya laban sa ilegal na droga.
Samantala, iniulat naman ni Lt. Col.Marcial Paclibon, regional director ng RIAS, mula Enero hanggang July 26 ng taon ay 20 administrative case na kinasasangkutan ng 44 police officers ang naitala, kumpara noong 2021 na 22 kaso.
Ayon kay Paclibon, bagama’t hindi pa natatapos ang taon ay mataas agad ang naitalang kaso ng police personnel sa kanilang tanggapan, ay lima dito ay hindi tauhan ng PROCOR,kundi mula sa mga support unit nan ainvolve sa kaso sa jurisdiction ng Cordillera. Sa 15 kaso ay anim ng administrative cases (lawful performance of duty) na kinasasangkutan ng 28 personnel.
“Sa kabuuang 20 na kaso ngayong hindi pa natatapos ang taon ay siyam lamang ang maituturing na matinding kaso, ang misconduct o’ mga police personnel na kinasuhan dahil may complainant,” paliwanag ni Paclibon.
Aniya, sa isang police operation, kapag ipinutok ng pulis ang kanilang baril, may namatay o nasaktan,kahit walang complainant ay derekta itong ini-imbestigahan ng RIAS.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon