65 anyos na lolo, nanggahasa ng 4 anyos sa Ifugao

Inihahanda na ang kasong rape laban sa isang 65anyos na lalaki na diumano ay nanggahasa sa kapitbahay nitong 4anyos sa Hingyon, Ifugao.
Ayon sa pulis sa Ifugao, nagpunta sa kanilang tanggapan si Lola Daisy, 65anyos, kasama ang apo nitong si Rose upang pormal na iulat ang pangmomolestya ng 65anyos na si Jose Linglingon sa bata ilang araw na ang nakalipas.
Noong May 5, 2017, si Rose ay naglalaro sa loob ng bahay ni “Santan” nang diumano ay lumabas ang biktima at hindi na muling bumalik kaya hinanap ito ni Santan sa bahay ni Linglingon na pinaglalaruan din nila dati.
Sa pahayag ni Santan sa pulis, nang marating ang bahay ng suspek ay nakita nitong nakasara ang pinto kaya sumilip ito sa isang siwang sa pinto. Dito ay nakita niya si Rose na nakahubad habang ang 65anyos na suspek ay walang pang-ibabang saplot at hinihimas nito ang sarili habang hinihipuan ang bata.
Sinabi rin ni Santan sa pulis na nakita niyang umupo sa sahig ang suspek at pilit na pinaupo ang bata sa ibabaw nito.
Sinabi ng otoridad na malakas ang kasong inihahanda nila kontra sa suspek.
Ayon sa social welfare office ay kapansin-pansin ang patuloy ang pagtaas ng kaso ng sexual abuse sa mga bata sa Cordillera, kasama ang Ifugao, at iniuugnay nila ito sa “unregulated” adult at sex videos sa lokal na merkado. Ace Alegre
 

Amianan Balita Ngayon