653 atleta ng CAR, sasabak sa Palarong Pambansa

BAGUIO CITY – Sa kabila ng inaasahang mahigpit na kumpetisyon, ang Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) ay umaasa na malalampasan ang 25 gold medal output nito at malampasan ang ikalimang puwesto sa susunod na Palarong Pambansa na magsisimula sa Abril 27 sa Davao City.

Ang nalalapit na 2019 Palarong Pambansa ay inuulat na muling ipamalas ang mga katutubong palaro bilang karagdagan sa mga dating mga laro upang gawing espesyal at kagiliw-giliw na kaganapan ang taunang multi-sports na inilaan upang maibalik ang Laro ng Lahi sa gitna ng katanyagan ng mga laro na batay sa electronic at video games sa mga millennials gamit ang mga computer, tablet at mobile phone.

Ayon kay Georaloy Palaoay, information officer ng DepEd Cordillera, ang rehiyon ay nakatakdang magpadala ng 653 na atleta kasama ang 91 delegado at opisyal ng Baguio City, na kamakailan ay nanguna sa CARAA, at may pinakamaraming mga atleta, 299.

Sinabi ni Elementary coach Orden Cayso na umaasa silang makasungkit ng pitong medalya para sa rehiyon mula elementary division out of 13 golds contested category, sa kabila ng pagkakaroon ng dalawang bata na unang beses na maglalaro sa Palarong Pambansa.

“Alam namin na tayo (Cordillera) ang binabantayan ngunit umaasa kami ng magandang resulta para sa ating rehiyon,” sabi ni Cayso.

Ang mga batang elementary at highschool students na ipapadala sa palarong pambansa ay inaasahang makasungkit ng medalya sa larong Futsal, Softball at Arnis.

Saissem Hortelano, UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon