7 arestado sa magkakahiwaly na operasyon ng pulisya

Pitong katao ang kinasuhan matapos ang sunod-sunod na operasyon ng pulis noong Mayo2.
Sa pinagsanib na operatiba ng Baguio City Police Office at mga miyembro ng Drug Enforcement Agency ay naaresto si Juanito De Guzman aka Chux, 30, residente ng Malaya Dominican.
Narekober ng mga awtoridad ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, pera na nagkakahalaga ng P1,000 at P1,000 na marked money, at isang cellphone.
Sa magkaibang operasyon ay dalawang local tourist ang inaresto gabi ng Mayo 2 sa Poblacion, Tinglayan, Kalinga ng mga operatiba ng PDEA ng Tinglayan Municipal Police Station. Kinilala ang mga suspek na sina Marco Carag, 29, isang dog breeder at John Arden Verzola, 25, kapwa residente ng Tuguegarao City, Cagayan. Napag-alamang nakasakay ang dalawa sa isang minibus patungong Tabuk na mula sa Buscalan, Tinglayan, Kalinga nang hinarang sila. Nakumpiska sa kanila ang ilang marijuana leaves, marijuana leaves powder, hashish, at hashish oil.
Nagsagawa ang pulis ng ilang search warrants para sa violation of illegal firearms sa lungsod ng Baguio. Inisyu ni Executive Judge Maria Ligaya Itliong-Rivera ng Branch 5, RTC, First Judicial Region, Baguio City ang mga warrant na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong katao noon ding Mayo 2. Inaresto sina Clarence Casaba, 29, tubong Sta. Maria, Pangasinan, may-ari ng bahay at dalawa na kaniyang trabahador na kinilalang sina Manolito Molines, 53, at Enrique Molines Sr., 59, may-asawa, laborer at tubong Tagcauayan, Quezon Province. Nakuha kay Casaba sa magkahiwalay na bahay sa Purok Mangitit, Camp 7, Baguio City ang isang cal.38 revolver at 12 piraso ng iba-ibang bala. Sa bahay naman ni Ferdinand Banyaga Buccasan, 40, CAFGU, residente ng Purok Mangitit, Camp 7, Baguio City ay nakumpiska ng pulis ang isang magazine na may anim na bala para sa cal. 45 subalit wala sa bahay si Buccasan

Police Patrol

AMIANAN POLICE PATROL

Amianan Balita Ngayon