7 PARANGAL SA SOCIAL WELFARE PROGRAMS, IGINAWID SA BAGUIO CITY

BAGUIO CITY

Sa ika73 Anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development ng Cordillera (DSWD-CAR), ang siyudad ng Baguio ay muling nagwagi ng mga parangal sa rehiyon para sa mga programa nito sa social welfare and services na ginanap kamakailan sa Newtown Plaza Hotel, Baguio City. Kasama ni Mayor Benjamin Magalong sina CSWDO Officer Liza Bulayungan, CSWDO Acting Assistant Cynthia Langagan, at Social Welfare Officer IV Ellen William sa pagtanggap ng mga parangal sa nasabing programa.

Inulat ni Bulayungan na nakamit ng lungsod ang mga sumusunod na parangal sa iba’t ibang kategorya: Gawad sa Makabagong Teknolohiya at Gawad Serbisyo sa ilalim ng kategoryang Pagkilala sa Natatanging Kontribusyon (PaNaTa Ko sa Bayan); Model LGU Implementing Day Care Service, Model LGU Implementing Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at Model LGU Implementing Sustainable Livelihood Program -Micro Enterprise Dev’t Model sa ilalim ng kategoryang Gawad Paglilingkod sa Sambayanan (GAPAS); at ang Social Welfare and Development (SWD) Laws Prime Mover at Good Practice Award sa ilalim ng kategoryang Paglaray.

Sinabi ng DSWD na ang PaNata ko Sa Bayan Awards ay isang taunang aktibidad na inorganisa ng DSWD “upang
kilalanin ang mga kasosyo, stakeholder, at intermediaries na ang pangako ay mapabuti at ipaglaban ang paghahatid ng mga programa at serbisyong panlipunan upang mapabuti ang sektor ng mga dukha at mahirap sa ating lipunan.”
Ang GAPAS award ay “nagbibigay ng pagkilala sa mga pagsisikap ng mga kaagapay at LGUs sa epektibong paghahatid ng mga programa at serbisyong panlipunan at pag-unlad” at ang Paglaray Awards ay nagbibigay ng parangal sa “mga LGU para sa mahusay na pagganap sa lokal na antas ng pagsunod at pagsasakatuparan ng mga
batas ng SWD, na nagpapakita ng epektibong mekanismo sa pagtiyak ng kalidad at responsableng mga programa at
serbisyo sa lokal na antas.”

Phoebe Allec Perez / UB Intern

Amianan Balita Ngayon