7 TURISTA HULI SA PAGBIBIYAHE NG P4.5M MARIJUANA BRICKS SA KALINGA

TABUK CITY, Kalinga

Arestado ang pitong lokal na turista matapos ibiyahe ang P4.5 milyong halaga ng marijuana bricks sa isinagawang interdiction checkpoint ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera at Kalinga Provincial Police Office sa Block 3, Purok 5, Tabuk City, Kalinga, noong Hunyo 12.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Sandy Alerta Legnes, 30, driver ng van, at residente ng Santa Maria Bulacan; Raymond Abrea Nazareno, 33 taong gulang, driver, lalaki at residente ng
Santa Maria Bulacan; Michael Tayo David, 25, ng Angeles City, Pampanga; Keneth Christian
Buena Sum, 28, ng Angeles City Pampanga; Matthew John Mirasol Milgate, 22, ng Angeles City Pampanga; John Ashley Sevilla, 24, ng Angeles City Pampanga at Rhecel Sumayod Maribojoc, 21, ng Angeles City, Pampanga.

Ayon sa ulat, nakatanggap ang mga operatiba ng impormasyon na lulan ng ang mga suspek ng isang kulay abong Commuter Delux van na may plate number na NEI 1380 at dala-dala ang iligal na droga na padaan sa Tabuk City. Kaagad na nagsagawa ng checkpoint ang mga operatiba na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek dakong alas 2;30 ng hapon.

Narekober ng mga operatiba sa loob ng van ang 38 brick ng pinatuyong dahon ng Marijuana na tinatakan ng transparent plastic na nagkakahalaga ng P4,560,000.00; dalawang maliit na dilaw na half-tape-wrapped na brick ng mga tuyong dahon ng marijuana with fruiting tops at isang brown na paper bag na naglalaman ng mga tuyong dahon at tangkay ng marijuana.

Isinagawa ang on-site inventory sa presensya ng mga naarestong suspek na sinaksihan ni DOJ
representative Lailanie Balaoing, media representative Hermigilda Chico at barangay Kagawad Clifford Dinanas ng Barangay Bulanao Centro, Tabuk City.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon