7 WWII Veterans, binigyan ng pagkilala sa 72nd Baguio Liberation Day

LUNGSOD NG BAGUIO – Patuloy ang taunang pag-alala sa katapangan at kagitingan ng mga sundalong nakipaglaban para sa bansa sa Pangalawang Digmaang Pandaigdig at pagkilala sa mga beteranong sundalo na nabubuhay pa, bagaman habang nagtatagal ang panahon ay patuloy na nalalagas ang bilang ng mga ito.
Ngayong taon ay ipinagkaloob sa pitong beteranong sundalo ang pagkilala sa 72nd Baguio Liberation Day commemoration program sa isang pagbabalik-tanaw sa kanilang mga naiambag sa pagbawi ng kalayaan ng lungsod sa kamay ng mga mananakop noong taong 1941-1945. Ito ay ginanap sa Veterans Park noong ika-27 ng Abril 2017, parehong araw kung kailan nabawi ang kalayaan ng lungsod noong 1945 mula sa mga mananakop na Hapon.
Nakiisa rin ang Baguio City Police Office (BCPO) band upang maghatid ng musika para sa mga kinilalang Veterans, BCPO officers at miyembro ng Girls and Boys Scout of the Philippines, ilang opisyal ng pamahalaang lokal sa pangunguna nina Vice Mayor Edison Bilog at Executive Secretary to the mayor Raffy Talocoy.
Sa mensahe ni Talocoy sa ngalan ni Mayor Mauricio Domogan, “The 72nd Baguio Liberation Day is to give tribute to our honored veterans for their acts of bravery, gallantry, heroism and sacrifices of our World War II Veterans. It is for us the leading to continue manifesting their legacy of patriotism, love of native land and the defense of our country and our people from evil forces. To our veterans therefore, with all sincerity, including your sons, daughters, we salute you.”
Hinamon naman ni Vice Mayor Bilog ang mamamayan, lalo na ang kabataan, na tularan ang mga Veterans na ibinuhos ang buhay para sa inang bayan sa halip na malulong sa ipinagbabawal na gamot.
Hiling pa niya na sa araw na ito at sa susunod pang mga araw ay sana ito na ang tamang panahon para sa pagkakaisa upang wakasan ang mga problemang kinakaharap ng ating bayan. Liezel Eunice Callejo, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon