73-ANYOS HULI SA KASONG STATUTORY RAPE

BAGUIO CITY

Isang 73 anyos na suspek sa kasong statutory rape sa isang menor-de-edad na dalagita ang dinakip ng pulisya sa kanyang tirahan sa Pinsao Proper, Baguio City, noong Agosto 20. Ayon sa Baguio City Police Office, ang suspek ay nakalista sa lungsod bilang No.8 Top Most Wanted Person. Dinakip ang suspek ng mga tauhan ng BCPO – Station 2 sa bisa ng warrant of arrest sa kasong statutory rape o paglabag sa Act 11648, na walang kaukulang piyansa.

Base sa salaysay ng menor de edad, nangyari ang insidente noong Enero ng taong ito. Ang suporta at paghihikayat ng kanyang lola ang nagtulak sa kanya na iulat ang insidente noong Hulyo sa kabila ng mga pagbabanta ng lalaki.
Ang tanggapan ng pulisya ay nakipag-ugnayan na sa City Social Welfare and Development Office upang matiyak na ang biktima ay makakatanggap ng pagpapayo at tulong upang makatulong sa kanyang paggaling.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon