73rd Victory Day, ipinagdiwang sa Ifugao

KIANGAN, IFUGAO – Muling ipinagbunyi at ginunita ang pagsuko ni Japanese General Tomoyoki Yamashita noong Setyembre 2, 1945 sa pamamagitan ng 73rd Victory Day sa Kiangan World War II Memorial Shrine, Linda, Kiangan, Ifugao noong Setyembre 1 hanggang 2.
Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon ay “Victory Day: Celebration of Freedom”.
Ang programa sa unang araw ay ginanap sa Kiangan Central School gymnasium, Poblacion, Kiangan, Ifugao. Kabilang sa mga aktibidad ang candle lighting, floral offering, holy mass, dinner and entertainment na dinaluhan ng veterans mula sa iba’t ibang probinsya, kapulisan, at mga bisita.
Si Retired Major General Nelson Allaga ng Philippine Marine at tubong Ifugao ang nagbigay ng mensahe ng pagbati sa mga partisipante at bisita.
Kinabukasan ay isinagawa ang Victory Day formal program.
Binati ni Ifugao Governor Pedro G. Mayam-o ang mga dumalo na kinabibilangan ni PCSupt. John D. Luglug, deputy director for administration ng CIDG, na nagsilbing panauhing pandangal.
Nagsimula ang programa sa pamamagitan ng isang civic parade mula sa Kiangan Open gymnasium hanggang Kiangan War Memorial Shrine.
Ang paggunita ay sinimulan sa flag raising ceremony na sinundan ng wreath laying na pinangunahan nina Luglug at Mayam-o kasama sina Congressman Teddy B. Baguilat Jr., VFP President Justice Manuel R. Pamaran, Usec Antonio R. Hernandez, Usec Ernesto G. Carolina, Kiangan Mayor Joselito G. Guyguyon, GSP-Ifugao Council President Mary D. Namuhe, Acting Provincial Director PSSupt. David K. Peredo Jr. at 54th IB Commander Lt. Col. Narciso Nabulneg Jr.
Ang 21-Gun Salute ay isinagawa matapos ang wreath laying ceremony.
Ang aktibidad ay nagtapos nang mapayapa sa tulong ng Ifugao Provincial Police Office kaagapay ang Regional Mobile Force Company (RPSB). May ulat: PO1 Ligaya N. Dangayo, SPO2 Jordan Q. Ngatiyon/ PNP Ifugao / ABN

Amianan Balita Ngayon