75 NA MGA RICE RETAILER SA CORDILLERA NAKAKUHA NG SUBSIDIYA SA GOBYERNO

LUNSOD NG BAGUIO

Nagbigay ng halagang P15,000 rice subsidy ang tanggapan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 75 na micro-rice retailer na apektado di umano ng “rice cap” sa mga well-milled na bigas na nasa loob nan g mga pamilihan at mga sari-sari store sa bansa. Sa lunsod ng Baguio at sa lalawigan ng Benguey ay may 55 retailer , sa Kalinga ay may 4, sa Abra naman ay may 14, at isa naman sa lalawigan ng Apayao. Pinangunahan naman ng Cordillera “Bantay Bigas Task Force ang pamamahagi ng nasabing subsidiya sa mga apektadong retailer.

Ang task force ay binubuo mula sa tanggaoan ng Department of Social Welfare and Development , Departmemt of Trade and Industry at ng Department of Agriculture. “This is a small amount but this is the government’s way of extending assistance to you for complying with the rice price ceiling order,” ani Amelyn Cabrera ng DSWD-Cordillera assistant regional director . Matatandaan na naglabas ng isang Executive Order 39,si PBBM noong Agosto 31, 2023 na inaatasan ang lahat ng mga rice retailer na ibenta ang kanilang mga well-milled rice sa halagang P45 hanggang P41 kada kilo

Sa pahayag ni Danilo Daguio, Regional Technical Director for Administration of the DA-Cordillera
“The government recognizes that you bought your rice supply at the same price or even higher than
the mandated ceiling but you had to comply”. Idinagdag pa ni Daguio na “For complying and making rice available to low-income earners, the government is giving the amount as assistance and for helping provide affordable rice to our people,” said Daguio said they have recorded a high compliance among the over 150 rice retailers they monitored in Baguio City”.

Noong unang araw ng implementasyon ng E0 No.39 ay marami ang lumabag subalit sa patuloy
na p Nagpahayag naman ng suporta ang grupo ni Nicholas Merano ,Presidente ng Baguio-Benguet
Grain Retailers Confederation of the Philippines *GRECON) sa E0 39 ng Pangulong Marcos Jr.
Sa kanyang ibinigay na Press Statement sinabi niya na “Although we have the supply of wellmilled rice, we will have to sell this at PHP45 per kilo per day with a maximum of five kilos for every
consumer to ensure that these will be available to the consuming public, which would last hopefully
until the third week of September in time for the delivery of newly harvested regular and well-milled rice coming from rice-producing areas in nearby provinces”.

Sinabi naman ni DTI-Cordillera assistant director Samuel Gallardo na magsasagawa sila ng
monitoring sa mga syudad at probinsya at munisipyo sa buong Cordillera sa lahat ng mga retailer.
Idinagdag pa niya na maari silang magbigay pa ng tulong sa mga kwalipikadong rice reitailer

.(PNA)

Amianan Balita Ngayon