78 SUNOG NAITALA SA BAGUIO SA LOOB NG 9 BUWAN

BAGUIO CITY

Nagpahayag ng pagkaalarma si Mayor Benjamin Magalong sa pagtaas ng insidente ng sunog sa lungsod at ipinag-utos na paigtingin ang pagpapakalat ng impormasyon upang mapahusay ang kamalayan sa pag-iwas sa sunog ng mga residente. Sa ulat ng Baguio City Fire Department, naitala ang 78 insidente ng sunog mula Enero 1 hanggang Setyembre 19, 2024, kumpara sa bilang na naitala noong nakaraang taon na 67 kaso.

May tatlong nasawi ngayong taon habang walang naiulat noong nakaraang taon. Sa 78 insidente ngayong taon, lima ang nangyari noong Enero; 16 noong Pebrero,;14 noong Marso; 10 noong Abril; 11 noong Mayo; tatlo noong Hunyo; walo noong Hulyo at Agosto at tatlo noong Setyembre. Sa nasabing kabuuang bilang ay 41 fire incident at istruktura sa kalikasan. 17 sa grass fire, 12 forest fire, anim na sasakyan, isang garbage fire at isang electrical/post fire.

“We have to ramp up our information-education communication (IEC) campaign to prevent further incidents,” Magalong said. Pinaalalahanan din niya ang publiko na maging mapagmatyag sa mga panganib ng mapanirang sunog.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon