8 bar, ikinandado sa paglabag sa Liqour Code

Mar 3, 2018

Ipinasara ng pamahalaang lungsod at kapulisan ang walong bars noong Marso 1, 2018 dahil sa paglabag sa Liquor Code, partikular ang curfew para sa night establishments.
Ang closure orders na napirmahan ni Mayor Mauricio Domogan ay inihain sa Red Lion Pub, Susan’s Bar, Igorota’s Bar, Golden Kalaleng Bar, The Camp, Supersonic KTV Bar, Likuor Store at Concoctions.
Ayon kay City licensing officer Allan Abayao, ang karamihan sa mga naturang establisimyento ay lumabag sa curfew nang makailang ulit sa kabila ng mga konsiderasyon na ibinigay ng lungsod sa kanila.
Sa ulat ng police at barangay na nagsilbing basehan ng pagpapasara sa mga establisimyento ay lumabag ang karamihan sa kanila nang mahigit tatlong beses mula Nobyembre 2017.
Sinabi ni Abayao na maaaring may iba pang establisimyento ang maisara dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng Ordinance No. 88 series of 2008 o Liquor Code of Baguio City.
Sa kabila nito, hindi lahat ay apektado sa isinagawang pagkakandado sa mga establisimyento.
Ayon sa panayam sa isang empleyado ng isang bar sa lungsod, hindi sila ipinasara dahil sumusunod sila sa ordinansa.
Umalma naman ang ilang mga parokyano ng mga ipinasarang bar ngunit ilan sa mga residente ay sumang-ayon sa nangyari.
“Okay na yan para patas doon sa mga ibang bars na sumusunod sa batas, siyempre madaya naman sa kanila kasi  hindi sila kumikita nang mas marami kumpara doon sa mga lumalabag,” ani Zsandra Rosario, isang residente ng Baguio.
Nakasaad sa ordinansa na lahat ng bars na walang sayawan katulad ng folk houses, beer gardens, videoke bars, coffee shops at mga restaurants na nag-aalok ng alak, maging ang mga internet cafes ay maaring magbukas ng 3pm at obligadong magsara ng hatinggabi, habang ang mga bars na may sayawan ay maari lamang magbukas ng 5pm at obligado namang magsara ng 2am.
Bukod pa rito, ang mga nagbebenta ng alak ay maaari lamang magbenta simula ika-9 ng umaga hanggang ika-9 ng gabi.
Ang mga lalabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng P1,000 sa unang pagkakataon; P2,000 sa pangalawang pagkakataon; P4,000 sa pangatlong pagkakataon; at P5,000 kasama ang pagpapasara ng establisimyento at pagbawi sa business permit ang ipapataw sa mga lalabag sa ika-apat na pagkakataon. RC BJON C. CATACUTAN, UB Intern / May ulat: ARefuerzo, PIO / ABN

RELATED POSTS

BAGUIO BOOK FAIR

BAGUIO BOOK FAIR

The Development Board Association of the Philippines, with the support of the National Book Development Board of the Philippines, brings...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest