LA TRINIDAD, Benguet
Walong plantasyon ng marijuana ang magkakasabay na sinalakay ng pulisya mula sa magkakahiwalay na operasyon sa lalawigan ng Benguet at Kalinga, noong Enero 13. Sa Benguet, pinagsanib na mga operatiba ng Kapangan Municipal Police Station (MPS), Kibungan MPS, 2nd Benguet Provincial Mobile Force Company (PMFC), Provincial
Intelligence Unit (PIU), at Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) ng Benguet Police Provincial Office ang pagsakakay sa pitong plantasyon ng marijuana sa Brgy. Pudong at Brgy. Gadang sa Kapangan at sa Brgy. Tacadang sa Kibungan.
Ang mga site na ito ay tinanim ng 5,040 piraso ng Fully Grown Marijuana Plants (FGMJP) na may Standard Drug Price na P1,008,000.00. Isa pang plantasyon ng marijuana ang nadiskubre sa Brgy. Buscalan, Tinglayan, Kalinga, ng magkasanib na operatiba mula sa Tinglayan MPS, 1st at 2nd Kalinga PMFCs, PIU, at PDEU ng Kalinga PPO, Regional Mobile Force Battalion 15, at Provincial Drug Enforcement Agency-Kalinga. Ang mga natuklasang halaman ng marijuana ay lubusang naidokumento at sinunog sa lugar, na may naaangkop na mga sample na nakolekta para isumite sa Regional Forensic Unit Cordillera Administrative Region.
Zaldy Comanda/ABN
January 18, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025
February 15, 2025