80 POLICE OFFICERS NAGTAPOS NG INTERNAL SECURITY OPERATIONS COURSE

CAMP DANGWA, Benguet

May kabuuang 80 police officers mula sa iba’t ibang unit ng Police Regional OfficeCordillera ang nadagdagan ng kaalaman at kasanayan sa kanilang pagtatapos sa Basic Internal Security Operations Course (BISOC) na ginanap sa TSF2, Philex Mines, Barangay Ampucao,Itogon,Benguet,
mula Setyembre 28 hanggang Disyembre 28. Ipinagmamalaki ng mga nagsipagtapos ang kanilang
mga sertipiko ng pagtatapos mula sa Deputy Provincial Director for Administration, Lt.Col. Jerry Haduca, na kinatawan ni Col. Damian Olsim, provincial director ng Benguet PPO sa kanilang closing ceremony.

Bilang highlight ng seremonya, tatlong miyembro ng BISOC Cl-02-013-RCOR2023-050 “KABADANGAN” ang binigyan ng PNP Medals at Certificates of Commendation para sa
kanilang outstanding performance sa kurso na sina Pat Redentor Acosta (89.27%);Pat Brylle Jimenez (89.07%) at Pat June Angelo Sadem (89.03%). Iginawad naman ang Leadership Awards kay Pat Leonard Palanay, na nagsilbi bilang Class President, at Cpl Norman Pangpangdeo na nagsilbi bilang Class Marcher, habang ang Topgun Award ay iginawad kay Pat Ebner Nitron at ang Strongman”Tarzan” Award ay iginawad kay Pat. Rhidan Sucdad.

Pinangunahan din ni Haduca ang ceremonial handover ng BISOC badge at pagbibigay ng beret sa mga nagsipagtapos. Ipinaabot ni Haduca ang kanyang pagbati sa mga nagsipagtapos sa kanilang
tagumpay sa pagkumpleto ng kanilang pagsasanay sa BISOC. Pinayuhan din niya ang mga ito na laging alalahanin ang landas na kanilang pipiliin, na nangangailangan ng patuloy na pag-aaral at pagbagay, at manatiling maliksi, matatag, at makabago sa kanilang diskarte sa harap ng mga umuusbong na pagbabanta at hamon.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon